Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"arkitekto" poems
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
#041716 Naakit ako sa linyang pahalang at patayo, Mga detalyeng pinira-piraso. Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko, Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya? Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw, Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo Sasahod at maghihintay. Masisilayan ko ang pundasyon Ang mga bakal na kinalawang Sa bodegang inimbakan. Pagkat malayo pa ang byahe, Bagkus sinelyuhan ng langis Ang may tagas ng pagbabago. Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado Nasa hulog ang mga poste Gaya ng minsang banging tinalunan ko. Ako'y malaya sa pagsilip Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado. Ramdam ko ang gaspang ng kahapon, Ang kurba ng mga bakal na di patitibag Sa kaibuturan ng pundasyong timplado. Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga. Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad Isang dipa, dalawang dipa at higit pa Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan. Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga Mga kahoy at bakal na matibay Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima. Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga At sa gabing hamog ang yakap sa dilim, Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat. Tanging kumot ng grasya, Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat. Nakakaakit ang plano, maging itsura nito Kaya nga magtiya-tiyaga ako, Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo. Hindi lang ako ang lalaban sa presyo, Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo Tataya ako, pagkat kliyente lang ako At alam kong linya Mo yan, Ikaw ang aking Arkitekto.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
Architect Vs. Client

Continue reading...
48
#112715 #4:47PM May linyang pahalang at patayo, Ni hindi magpapatisod sa pising sinusuyo. Sila’y liliko sa bawat espayo, Bagkus Ako’y sa’yong puso ang tungo. Mag-aabang sa bawat palapag, Sana sa beranda’y, ikaw ang siyang umaga. Sana sa kusina’y maihain ang tama – Tamang timpla ng walang tagas na pagsinta. Isasantabi Ko ang mga butil na balakid, Hahaluin ang konkretong sabaw ay sirit ng pag-ibig. Papalitadahan natin ang kisameng may bituin, At doon tayo niningas ng panimulang may layunin. Irog, ang puso Ko’y nasa hulog at hinog, Kasingputi ng pinturang pantapal sa putikan **** suot. Nang minsang nilukot ang puso **** papel, Ni hindi ito nayuraka’t nalumot sa lente Kong nasa lebel. Hayaan **** iguhit Ko ang bukas, Nang pundasyo’y uugat sa bato’t di patutumba. Hubad at bitak-bitak ang luwad **** pagkatao, Kaya’t di hahayaang kontratahin ng iba. At sa akin sana’y magpaubaya ng “Oo” Nang maging ako na ang butihin **** Arkitekto.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:48 AM UTC
Architect-Ligaw
Pitumpu’t Lima, ‘Yan ang taong nandito ka. Ngayong upos na ang ‘yong kandila, Ilaw mo’y ‘di na mapupundi pa. Huling gabi mo na ngayon sa’yong tahanan. Ngunit ang buhos ng ula’y parang wala ng katapusan. Hindi ko alam anong gusto ng kalangitan, Subalit bakit ito’y tila nakatatahan. ‘Di ko lubos maisip na sa kinabukasan, Eto na ang huli kong masisilayan. Kung gaano sana kalakas ngayon ang ulan, Lahat ng ito’y hihina rin sa kinaumagahan. O kay dagli ng iyong paghimbing Sakit na ‘di mo mahahambing. Sa kabila ng hirap na ‘yong dinaing Lahat ng ito’y ‘di na sa’yo makararating. Sa larangan ng sining, Kami sayo’y nahuhumaling Iba ang taglay **** galing, Isa kang batikang itinuturing. Sa mga obra **** iniukit, Pasasalamat ang aming sambit. Mga ala-ala ng bawat saglit, sa puso’t isipa’y nakaguhit. Hindi man kasing husay at talentado, Larangang ito’y patuloy na isasabuhay ko. Pinapangako ko, aking Lolo Sandali nalang, Apo mo’y magiging arkitekto. Kung kami ay maglalambing, piging ang nakahanda sa’yong paggising. Tiyak ngayon atensyon mo’y sa lola nakabaling Kung mayroon lang kaming isang hiling, Ito‘y muli kayong magkapiling.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:03 AM UTC
Ukit Ama