Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alinlangang" poems
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Ikaw, ako, sila, tayo, Panghalip lamang ba ang mga ito? Hanggang panghalip nga lang ba? O baka may tinatago pang iba. Yung mga panghalip na panao, Inihahalili sa ngalan ng tao, Yung ginagamit pag di tiyak, O may alinlangang hawak. Dahil di ako sigurado, Di ako tiyak kung ano, Kung ano ang itatawag ko, O kung sino ka nga ba sa buhay ko. S'ya ba'y kilala ko? Panghalip ba'y kailangan dito? baka ako'y nagmamaang-maangan lang, At sabihing di ko to alam. Ikaw, yung parang naging kapatid, Ikaw, yung simpleng nakaka-akit, ikaw, yung saki'y nkapagpangaral, Ikaw, yung sana'y sagot saking dasal. Ako, yung kasalukuyang nagsusulat, Ako, yung para sayo'y salat, Ako, yung masasabing mangangarap nalang, Ako, yung lupa't ikaw ang kalangitan. Sila? sino nga ba yang sila? Sila, yung iyo at aking nakasama, Sila, yung sa buhay nati'y naging parte, Sila, yung kasama natin sa pag abante. Tayo, ito yung sakit sa ulo, Tayo, yung si ko alam kung sinu-sino, Tayo, yung ako at mga kasama ko, Tayo, yung ikaw ba yan at ako? Hep hep hep! parang mali, Dahil yung ikaw at ako'y parang di maaari, Wag naman nating kalimutan sila, yung iba pa nating mga kasama. Dahil yung tayong ikaw at ako, Yung tayong sa totoo'y ninanais ko, Yung alam kong di angkop sa pagkakataon, "Tayo", ang etiketang di pa napapanahon.
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 2:17 PM UTC
Etiketa
Nakakabulayaw ang umaalingawngaw na sigaw sa katahimikan nang malungkot na gabi ng tatlong aninong susuray-suray sa paglakad habang binabagtas ang madawag na bahagi ng gubat, kung saan naglilisaw ang masasamang loob at hayop— Lumabas ako ng bahay at nakitang nagmamadali sa pagtakbo ang isa sa mga anino habang nagsisigaw ng "Pumarito kayo!" kaya't agad din akong nagtakbo at natutop na lamang ang sariling bibig nang madatnan ang malamig na bangkay ng isang babaeng walang alinlangang pinagsamantalahan. Tirik ang matang nakatingin sa kawalan katabi ng
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:20 AM UTC
Ginahasa si Carmen