Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Gamaliel Dec 2019
pinawi ng 'yong ganda
lungkot ng pag-iisa
huminga't napayapa
dahil nasilayan ka
(satin pa rin aasa,
kahit may iba ka na)
Gamaliel Nov 2019
sa aking paghihintay
puso ay nanlupaypay
lumisan at naglakbay
pahimakas ng patay
Gamaliel Oct 2019
lumipas buong taon
na kalungkuta'y baon
lahat ng 'yong tinapon
yakap sa dapit-hapon
Gamaliel Oct 2019
malayo ang 'yong tanaw
nang ikaw ay pumanaw
dumating ang tagginaw
ng sumunod na araw
Gamaliel Oct 2019
aking tinitingala
kumikislap na tala
di na muling mawala
ang hiling kay Bathala
Gamaliel Sep 2019
puso ko'y umaasa
na ating pagkikita
ay maging lunas sana
sa iyong pagdurusa
Gamaliel Aug 2019
damdaming sumisidhi
ayaw ko nang umuwi
iiyak man lang muli
ng luhang walang sukli
Gamaliel Jul 2019
sa pagsuyo ng buwan
puso'y nakikiramdam,
ngayo'y namamaalam
sa noon pa lumisan
Gamaliel May 2019
karagatang mapanglaw
ang sati'y naglalayo
sa malamig na tanglaw
ang ulilang pagsuyo
Gamaliel Apr 2019
ng maglaho ang buwan
at pumatak ang ulan
umangat dahan-dahan
pait ng 'yong paglisan
Next page