Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo Mar 2016
Ang bilis ng panahon
​Malapit na palang mag isang taon
​Simula nang ating ikahon
​Pag-iibigan nating hindi nakaahon

​Huminahon na ang bagyo na iyong dala
​Buo na muli ang puso kong nasalanta
​Naghilom na lahat ng sugat na mahapdi
​Hindi na pilit ang aking mga ngiti
inggo Feb 2016
Kahit saglit lang
Patingin ng mga mata **** pinaiyak niya
Kahit saglit lang
Patingin ng mga sugat na iniwan niya
Kahit saglit lang
Patingin ng mga bubog na nakatusok pa
Kahit saglit lang
Parinig ng mga kuwento niyo na naaalala mo pa

Kahit saglit lang
Hayaan **** punasan ko ang iyong mga luha
Kahit saglit lang
Gagamutin ko ang sugat mo para maghilom na
Kahit saglit lang
Huhugutin ko ang mga bubog na humahadlang sa iyong pagiging masaya
Kahit saglit lang
Handa akong pakinggan ka

Sana'y iyong makita
Na maari mo akong maging sandalan
Kahit saglit lang naman
Maging bahagi ako ng iyong kalawakan
inggo Feb 2016
Gusto kitang makausap muli
Habang naglalakad tayo pauwi
Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento
Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo

Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko
Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito
Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo
At magbabakasakali ako na maging parte din nito

Bagalan sana natin ang paglalakad
Nang masulit ko itong pagkakataon
Kasi baka hindi na ito maulit pa
Darating pa nga ba ang tamang panahon?

Humantong na tayo dito sa lugar
Kung saan dapat ng maghiwalay
Hindi ko man gusto matapos oras na ito
Sana bukas ay muli kang makasabay
Eugene Feb 2016
Kung bibigyan ba kita ng tsokolate at bulaklak, sasagutin mo ba ako?
Kung gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo, maririnig ko na ba ang iyong 'Oo'?
Kung magsusulat ba ako ng 'love letter' para sayo, tatanggapin mo na ba ako?
Kung yayain ba kitang lumabas araw-araw, magugustuhan mo ba ako?


Kung luluhod ako sa harapan mo, sasabihin mo na ba sa akin ang nararamdaman mo?
Kung mamamanhikan ako sa bahay ninyo, papayagan ba ako ng magulang mo?
Kung liligawan ko ba ang nanay at tatay mo, may pag-asa ba ako?
Kung isisigaw ko sa buong mundong mahal kita, lalabas na ba sa bibig mo ang salitang 'I Love You'.
inggo Feb 2016
Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka
Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin
Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat
Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit
Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin
Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin
Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang
Maging bagyo man ito o gutom at uhaw
Wala sa ating ang maiiwan
Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw
Eugene Jan 2016
Ang pag-ibig ko ay;

dalisay,
tunay,
wagas,
hindi mapang-imbot,
tapat,
mapagpasensiya,
mabait,

at higit sa lahat... nag-iisa para lang sa iyo...
inggo Jan 2016
Hindi ito madali
Dahil ikaw ay nakatali
Sa iyong nakaraan
Di alam ang pupuntahan

Subukan **** ngumiti
Kahit paunti-unti
Kahit pangisi ngisi
Masasanay muli ang labi

Sisikat na ang araw
Hindi na palaging madilim
Gagaan ang mga dinadala
Rurupok na ang alaalang matalim

Mga sugat ay maghihilom
Luha'y hindi na maiinom
Mukha mo ay muling magkakakulay
Handa ka na muling ipagpatuloy ang buhay
para sa babaeng kilala ko na nasasaktan pa sa mga nangyari.
inggo Jan 2016
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Sa mga lugar na gustong gusto **** puntahan
Kung saan ang tanawin ay puno ng luntian
At sa mga bundok na nagtataasan
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Kapag hindi ka nakatingin
Kapag niyayakap mo ang hangin
Kapag naglalaro ka ng buhangin
Nais kong maalala mo ako
Na parte ako sa bawat pagngiti mo sa mga litrato
Sa pagpikit ng iyong mata
Sa pagdipa ng iyong kamay na para bang ika'y lumilipad na
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato natin?
Maaari bang sabay natin yakapin ang hangin?
Hawak kamay sana tayong maglalaro ng buhangin
At ang mga mata mo ay sa akin na titingin
inggo Jan 2016
Hindi mo alam
Kasi hindi ko sinasabi
Hindi mo alam
Kasi ayaw bumukas nitong aking labi

Hindi mo alam
Kasi natatakot ako
Hindi mo alam
Kasi baka ako'y layuan mo

Hindi mo alam
Kasi masaya na ako na ika'y nandiyan
Hindi mo alam
Siguro kasi hanggang dito lang naman
Eugene Jan 2016
Kaibig-ibig ka, katangi-tangi, at hinahangaan,
Alindog mo at kagandaha'y hindi matatanggihan,
Ng sino mang taong handing-handa kang ligawan.


Kinahuhumalingan ka ng mga lalaki sa ating pamayanan.
Kinaiinggitan ng mga babae sa iyong kaseksihan,
Bakit hindi kita magawang magustuhan?



Ilang lalaki na ang umakyat ng ligaw sa iyo,
Ni isa ay hindi mo sinipot, hindi ka kumibo o nakihalubilo.
Ang sabi ng nakararami? 'Ako' ang gusto mo.


Nang ako'y iyong lapitan sa aming tahanan,
Ang mga ngiti mo'y nag-uumapaw sa kasayahan,
Nang masilayan ka, mukha ko'y walang bakas na kaligayahan.


Ako'y iyong sinisinta, higit pa sa kaibigan.
Ika'y tahasang nagsabing, ako ang iyong napupusuan.
Sinabi **** ako'y liligawan at iyon ay iyong paninindigan.


Subalit, ayoko kong ikaw ay masaktan.
Kaibigan lang ang aking masusuklian,
Sa kaaya-aya **** ngiti at kabaitan.


Hindi ako karapat-dapat na iyong ligawan,
Hindi kita mahal, 'yan ang aking nararamdaman.
Hindi na hihigit pa ang iyong pagkakaibigan.

Kaya, pakiusap, pawiin mo ang iyong kalungkutan.
Ibaling mo sa iba ang iyong isip at damdamin,
Ako'y magpapaalam, mahal kong kaibigan.
Next page