Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aL Jan 2019
Bilanggo, nagiipon ng problema
Naubos sakin ang iyo sanang antukin na maghapon
Sa lait ng tadhana mukha'y hindi na maipipinta
Kung puwede lamang ito ay itatago nalang sa baon.

Laging talo, lagi nalang kasing kalaban ang isipan
Ang mga bagay na gusto ay hindi parin nalalaman
Sa buhay, napakahirap ang walang pangarap
Sa buhay, mahirap ang walang makausap.

Pati siguro multo ay papatusin
Pambawas lang ng iisipin,
Para lang may makasama
Di na takot, nasanay na ata sa kaba.

Sa unti-unting kong tanong sa puso at sarili,
Na saan nga bang pasya ako nagkamali?
Mahirap ang walang pangarap.
Mahirap ang walang kausap.
Mahirap.
aL Jan 2019
Tanging hangad,
malayo sa katotohanan
Libo libong sulyap,
pa rin ang kulang
Ngiting bihira sa akin ay ipakita
At ito ang iyo ngang pasya
Sa akin ay kait ka ng tadhana
Mananatili nalang sigurong alaala
Ang iyong ngiti at magandang mukha
Unrequited love **
Years ago **
aL Jan 2019
Balik nanaman sa pangkaraniwang buhay
Ang paglisan ay nahaluan ng kaunting lumbay
Tutungo na uli sa sari-sariling paglakabay
Ngunit sa pinagmulan parin hihingi ng gabay

Hindi mapaliwanag ang nararamdaman
Kahit mga nakaw na mga saglit lang ang napagsaluhan
Masakit parin iwan ang naging masayang minsan
Ang agos ng buhay ay di nga mapipigilan
aL Jan 2019
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo
Maging sa iyong taun-taong pagkatalo
Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso
Hindi mo talagang nais na maparito

Anim na taon sa malaking syudad
Umani ng napakaraming kaalaman
Alam mo naman ang iyong mga hangad
Ang pangako lamang ang pinanghahawakan

Nadudurog na tiwala mo sa sarili
Sa iyong isipan, huwag kang paaapi
Tagumpay ay malapit mo nang mawari
Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi.

Pagasa ay wala sa malayo
Nasa paligid ang mga kaibigan mo
Na magsasabi sa iyo ng totoo
~
Tunay kang nagaantay
Tunay kang magtatagumpay
Huwag **** isipin na mas lumalayo ang pangarap mo sa kinaroroonan mo ngayon, bata ka pa at mataas ang tsanya na tadhana mo ay mas tatamis pa. Hindi lahat ng tao ay pinapalad, ngunit kahit ganyan ang kalakaran matuto ka sanang makipag~halubilo sa mga panganib at pagsubok. Ang nagsisikap ay ang mga magtatagumpay. Nasa paligid mo lang ang pagmamahal, ipikit mo lang ang iyong mata problema mo ay gugunaw, kasabay ng iyong kaba. Lahat ng tao ay gusto ka, matamis ang iyong ngiti, kahit na minsan mo lang ipamalas. Huwag kang bibitiw. Huwag nang isipin ang nakaraan.
aL Jan 2019
Kapag naiinis,
pipikit mata nalang
Hihinga ng malalim,
saka pakakawalan

Hindi na makikipagtalo pa,
Problema ay iiwasan na
Sa dilim nalang nakikita
parin ang pagkadismaya

Pagod na sa nilalakarang kalye
Walang laman ang isip kundi ikaw
At patapos na ang ating gabi
Ngunit musmos parin, mistulang ligaw

Pinili **** magtago
aL Jan 2019
Kaluluwa **** pagod na pagod na sa karereklamo sa mga mali **** desisyon. Utak ay gusto nang magsara at ikaw ay talikuran ng tuluyan.

Tanging pinanghahawakan lang naman ay ang pasya ng puso. Magulo sa kanilang paningin ngunit sigaw ng iyong damdamin ay kasiyahan.

Bawat tibok na lamang ay naliligaw sa kinaloob-looban ng iyong pananaw. Marahil hindi na importante sa ilan. Walang didinig sa iyong pagsinta sa kaibahan.

Gandang taglay na hindi kita ng lahat ay iyong hinahanap hanap. Sa paligid na iyong pagtuklas ay napakasalat. Ang ginto ay hindi pangkaraniwan.
aL Jan 2019
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran.

Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan.

Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan.

Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan.

Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
waiting like a fool.
aL Jan 2019
Ibong malaya, sa paglipad hangin ay saganang bumabalot sa napakaliit niyang katawan.

Galing sa May-kapal, ang napakagandang tanawin na kanyang iniikutan at ginagalawan.

Sa buong maghapon ng araw, init at himig sa himpapawid ay gusto niyang subukan at balikbalikan.

Sa kanyang pahinga, sa malaking punongkahoy ay susumpong ng linong at kakanta.

Tunay bang malaya ang isang kaisipang tanging dala ay iisang dilag? Na wala namang magawa kundi ang mamangha sa kanyang ganda.
My metaphor, most wont be getting this, just like most of my works. Or people do not read it and take it seriously. Lol. Hahaha.
aL Dec 2018
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana
Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga
Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid
Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait
Tuwing iidlip siya ay na riyan
Tuwing paggising siya ang hanap
Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon
Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon
Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin
Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin
Siya ay dala ng nanlamig na hangin
Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha
Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
Next page