Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
fatima Dec 2019
naglalakad sa gitna ng kadiliman
at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan
ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan
ang pighati ay dinadala sa paglalakbay

ilang patalim na ang aking tinahak
makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa
ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin
kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais

binalot ng pait at galit sa paghihirap
may pag-asa pa nga bang matatanaw
sa isang paglalakbay na puno ng sakit
isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa

mababatid pa nga ba ang kinabukasan
sa paglalakbay na puno ng hinagpis
at pag-inda ng mabibigat na dalahin
sa isang pikit-matang paghihirap.
Paraluman Jul 2015
Gabi-gabi
Sa unan ay dali tumatabi,
Nananabik
Mata'y pumikit, Bibig humilik,
Panaginip
Kitang mahagkan at makapiling.

— The End —