Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
solEmn oaSis Apr 13
Kailangan ko pa ba talaga ipamukha sayo yung mga pagkakataon na pinababalikat mo sa akin yung mga sandaling di ka makatayo sa sarili **** mga paa.
Gayon pa man tiklop-tuhod akong tumatalima sayo kasi nga mulat ka sa pagiging bukas-palad ko.
Ako naman pikit-matang nilulunok yung mga pride na meron ako kahit pa Alam Kong mapapasubo ako doon sa mga kamay na bakal kung saan hawak tayo sa leeg.
eh Kasi nga kargo kita. Kahit ano pa mangyari hanggang sa Huli , ako pa din ang magsisilbing kinatawan mo !
mga binti at sandugo sa braso
pati nga saradong kamao
ang tinataya ko kahit wala yon sa aking plano
Para lang mapugto at mapanuto
ang bawat buntong hininga mo

pero bakit tila yata
Kulang pa rin aking panlabas na anatomiya
Daig ko pa ang nananahan sa turok ng anestisya...
Lamang-Loob ko ba ang siyang dapat na
maialay o konsensya?
Sabihin mo mang wala akong puso sa tuwinang pawis at luha ang aking batayan Kung bakit ang bigat sa aking pakiramdam na ikay nabibigo ng mga payo ko sayo na kinakasama ng yong kalooban marahil Kung minsan.

Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Hanggang kailan mo ako paninindigan ng aking mga balahibo sa balat ?
Kapag huli na ba ang lahat ?
Sana naman dumating na sa atin
Yung mga araw at oras na ating aralin
Mga hiblang gabuhok para wala na tayong susuyurin..
Kasi nagkakatotoo rin ang pahiwatig ng pulso at mga maseL,,,
Di lang Anghel at kaluluwa ang pwedeng magmensahe ng mga dapat nating tulak-kabigin !

Ngayon sana Langhap mo na yung parirala kahit hindi buo ang diwa...
Kasi.....
may tainga ang Lupa
may pakpak ang balita
Bukas makalawa di ko na magagawa pang sa harapan mo na.. magsalubong ang mga kilay ko kasi... siguro tinik sa lalamunan mo ako kung ituring.
Pero ang lahat ng pangugusap Kong ito ay talata na ngayon ng bawat kabanata na minsan ko nang pinalipad sa hangin bilang isang Pasaring.

" sibuyas "
ni : © solEmn oaSis
The february 25
EDSA day commemoration

written- 02-21-2024
Magkaisa !
Ayan po ang malalim na diwa hatid at dulot ng Mga nangyari noong mil nueve syentos otchenta y sais.

9 na taon akuh po nun..
Tanging laro ang hilig
Wala pa pong alam sa pag-ibig
Pero po Dahil sa EDSA People power nun...

Minahal kuh po ang literatura
Sanhi ng mga kulumpon ng mga kulay dilaw at pula.
Di pa uso celfon kodak pa lang ang hawak ng mga Litratista...
Pero sabi kuh sa sarili kuh po balang araw magiging Letra-tista din ako sa tulong ng Demokrasya

Hanggang sa marinig kuh po sa tv na black n white pa nun ng kapitbahay namin sa malabon yung awiting
" magkaisa "
Duon naman po akuh napamahal sa musika at nag umpisang sumulat ng sa-ganang-AKIN nmn po ngunit walang himig kaya nmn nauwe n lamang akuh sa paggawa ng mga tula bilang aking diversion at paraan upang maging isang DIARY kuh po ng mga kaganapan sa mga buhay-pakikisalamuha sa kapwa at mga mahal sa buhay  kalakip ang kanilang kwento ng pakikipagsapalaran.
Ang Pag-asa sa gitna ng Kapayapaan nawa ay manatili magpa kailan man

— The End —