Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Nov 2017
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay?
Iniisip mo parin ba ang kasiyahan,
O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran?

Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na
Kinabukasan ngingiti ka parin ba o,
Palihim ka nalang sisilip.

Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay
Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya,
Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano?

Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari?
O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan,
Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan

Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao
Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam,
Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano?

Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang?
O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang,
Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
Angel Tomas Oct 2015
sigurong maramdaman ang bisig mo
Sa aking balikat at likod
Ang saya sigurong maramdaman ang mga haplos ****
Minsan banayad, minsan nangangailangan
Ang saya sigurong makita ang iyong mukha pagkagising ko sa umaga Pagkatapos ng isang maaksyong ganap sa kama
Ang saya sigurong mangarap sa iyong tabi,
Kung ano nga ba ang kasiguraduhan ng nagbabadyang bukas
Ang saya sigurong mahalin ka ng paunti-unti
Hanggang ibuhos ko na halos lahat.
At siguro mas masaya kung mamahalin mo ko pabalik,
Kahit paunti-unti lang, tsaka mo na ibuhos ang lahat.
Gusto kong maging masaya.
iya Jun 2015
Kasiyahan na minsan hindi makita
Dahil sarili mismo ang nagkukubli
Sa tingin natin sa iba makikita
Nun pala ito'y nasa ating pagpapasya.

Kasiyahan ay isang pagpili
Sarili ang magpapasya ng nais na maramdaman
Huwag hayaan madala ng kalungkutan
Dahil ito'y isang kasinungalingan ng kaaway.

Kasiyahan ay panatilihing nasa buhay
Ito'y nakakabawas ng alalahanin sa araw-araw
At nagbibigay ng kalakasan na harapin ang buhay
Dahil ito'y bigay ng ating mahal na maylalang.

— The End —