Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Naririto ako’t inaalala ang aking unang halik
Habang naghihintay at umaasa na muli kang babalik
Ang halik na ikaw ang nauna
Ngunit sa’yo ako’y ikatlo na pala
Wag kang mag alala, hindi naman iyon mahalaga
Ang mahalaga ay naibigay ko ang aking una
Sa isang taong minahal ko talaga
Hindi ko nga alam kung ba’t ako nagpakatanga
Sabi ko pa sa sarili na hindi pa ako handa
Pinangako kong ibibigay ko ang una kong halik sa aking magiging unang kasintahan
Ngunit ayun at ninakaw mo, gayong ika’y akin lang namang kaibigan.
Teka, teka, Kai-bi-gan ba o Ka-i-bi-gan
Hindi ko nga rin maunawaan
kung ano ba sa’ting dalawa ang namamagitan
Gayong mayroon ka na palang kasintahan at ako’y umiibig sa isa ko pang kaibigan
Sa madaling salita, hindi maaari dahil ang mga puso natin ay sa iba na nakalaan
Ngunit kahit pilitin ko man ang sarili kong umayaw
Itong puso ko ikaw at ikaw pa rin ang sinisigaw
At ganun din ikaw
Ngunit ang tadhana’y tila ba umaayaw sa ating pag-iibigan
Bakit ba kung kalian ang mga puso natin ay nagtugma
Ay doon din tayo nakatali na sa iba
Bakit kung kailan natin nakita yung isa’t isa
Ay may nakakita na sa ating iba
Ito ba ang tinatawag nilang “pinagtagpo pero hindi itinadhana”?
Ngunit dahil damdamin natin ay hindi mapigilan
Ay pilit nating sinubukan
Kahit alam nating mali ang nabuo nating ugnayan
Ang saya saya natin noon
Yung tipong pag kasama kita, kulang pa ang maghapon
Kahit nakilala kita sa loob lamang ng napakaikling oras
Masasabi ko pa ring nagmahalan tayo ng tunay at wagas
Kaya binalewala ko na ang minahal kong kaibigan
At para sa akin siya ay iyong iniwan
Nangako tayo sa isa’t isa na tayo’y magiging masaya
At ang puso kong nadurog ay hinding hindi mo na sisirain pa
Ngunit isang araw bigla akong nabulabog
Umabot sa puntong puso ko’y durog na durog
Sinabi **** pinipilit ka niyang bumalik at wag nang lumisan pa
Kaya’t ikay nagpaalam na ako’y iiwan mo na
Siyempre pinakawalan na kita
Sino ba naman ako para panatilihin ka, hindi ba?
Tutal sa relasyon ninyo ako naman yung gumiba
Ako na nga yung nanira, aagwain pa ba kita?
Pero sabi mo kung tayo rin lang ay magsisisihan
wala akong kasalanan
Ay! Oo nga pala, wala talaga
Dahil sa relasyon ninyo, ikaw mismo ang sumira
Tanga din naman ko eh
Kasi alam kong may iba na nga, minahal ko pa
Oo na, ako na ang masama
Ako na ang kontrabida
Querida, kabit, mistress, number two
Kaya dapat lang na ihinto natin ito.
Kahit masakit ay tinatanggap ko na
Tinanggap ko na hindi talaga tayo itinadhana
Masaya na rin ako at ang pagkakamali ko ay nagawa kong ituwid
Kahit ang sakit na inabot ko umaabot na sa himpapawid
Maraming salamat at sa buhay ko ika’y dumating
Kahit hindi man tinupad ng Maykapal ang ating hinihiling
Kuntento na ako sa isang tag-araw na ika’y aking nakapiling
Isang hindi makakalimutang tag araw
Na kung balang araw ako’y magbabalik tanaw
Ay ngingiti na lang pagkat ang nakasama ay ikaw
Salamat sa pag-ibig na iyong ipinadama
At sa halik na sa akin ikaw ang nauna
Ngunit sayo’y ikatlo na pala
Hindi ko alam kung ako’y aasa pa sa muli **** pagbalik
Ngunit sa alaala ko’y mananatiling ikaw ang aking naging unang halik.
Para sa taong nakakuha ng aking unang halik, Gian.
katryna May 2018
Paikutin mo ako,

Sa iyong palad,
Sa iyong mundong walang ibang alam kung hindi ang itago ako
Hindi para maging yaman,
Kung hindi itago ako sa salitang "akin ka lang".

Akin ka lang,
pero ikaw kahit kelan hindi naging akin lang.
Pero ako, sayo lang.


Paikutin mo ako,

Sa iyong mga salita,
Sa iyong mga ginagawa.
Ikulong mo ako, sa rehas ng pag-ibig na
Hindi pwedeng maging tama,

Sabihin mo,
nasaan ang susi na magpapalaya sa matagal mo ng kinukubli?

Mga pakiramdam na hindi masabi-sabi,
Tinago mo ng matagal,
Hindi mo sina alang-alang

Saan mo sinisilid ang iyong nararamdaman?

Sa kanya?
Sa kanya.

Nasa kanya ang susi ng iyong kalayaan
Ngunit nasa akin
ang susi ng iyong kaligayahan.

Na sa dilim mo lang nahahawakan.
Nasisilayan.
Nalalasap.

Sa dilim lang pwedeng magtama ang mga pinaniniwalaan nating tama.

Sa dilim na kapag pinasukan ng ilaw,

Maglalaho ng parang bula.

At ang salitang ikaw, ako

ay tuluyan ng mawawala.

— The End —