Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Randell Quitain Aug 2018
nang nasabi mo ang 'yong takot,
hawak ko na noon ang kumot,
'di ba kay sarap sa damdamin?
mabuti tayo ay umamin.
Randell Quitain Jul 2018
ikaw ang matayog na ulap,
dulo ng lingas ay nahanap,
tagapagpatahimik nitong kulog,
bagyo'y naging ambon sa aking pagtulog.
Randell Quitain Jun 2018
ang huling bilang ay tatlo,
papalapit na ang tagpo,
roon hihinto ang paggalaw,
hahayaang puso'y magsayaw.
Randell Quitain May 2018
mga matang lumilipon,
na wari’y bagyo’t alon,
sa sulyap ako’y lumipas,
nalunod yakap ang lunas.
Randell Quitain Apr 2018
mga uwak sa posteng nagkubli sa dilim,
bitbit ay bato kung makatingin matalim,
mga pula na mata'y nahalina't,
pag-alis leeg sukbit ay karit.

mga nasugat na balat sa paggupit ng kuko,
pinupuwing ng luha ang mga mata sa bungo,
kailan kaya hihinto ang mga diwatang nangisi?
kailan matutulog nang managinip ay 'di gising?
Randell Quitain Apr 2018
kung umidlip 'man ang mga kataga,
subuka't pakinggan ang katahimikan;
nang mangagpahinga sa kabaliwan;
pintig ng puso'y tanging kapayapaan.
Randell Quitain Mar 2018
minsan may nag-aabang,
nahagip ng alimpuyo sa parang,
nadatnan sa puyo'y isang puwang,
o, pagkakataon! dumating ay ang kulang.
Next page