Di naman sa tamad, di naman sa lahat, meron lang talagang subject na di ko magets. Nakaka-sad.
Merong subject na ang sarap tulugan, yung parang na-overdose ka sa paglaklak ng sleeping pills.
Meron ding subject na kung iisipin, di naman magagamit sa tunay na buhay. Pwera na lang sa "Can you replace my X without asking Y?"
Merong din yung subject na terror ang teacher, kapag naleleksyon, isang balde ang pawis mo dahil baka ikaw ang mapagtripan niya, tapos wala kang maisagot.
Merong din subject na madali lang, yung akala mo pasado ka na, pero mali ka! Dahil pagdating ng exam, ang hirap ng mga tanong. Yung feeling mo, di naman nabanggit sa klase, kaya ayon! GG!
Pero kahit ano pang reklamo natin, wala tayong magagawa. Dapat pag-aralan para di magkaalanganin sa katapusan ng sem. Dahil kung di bagsak ang grade mo, baka DRP o INC naman. Naku po!