Sa sikip at kakapalan ng iniwang usok, mga langgam ay di magkamayaw dito sa kahabaan ng pila. Hibik nang hibik nang pumasok sa kaliwa at sa kanan ng ika'y nagaabang at tulala.
Tanda mo ba nang dito'y nagkabungguan, nakipagtitigan, at nagtawanan sa kawalan ng ating kalikuran?
Sa hirap ng buhay sinabi mo ang iyong naranasan at nangakong hindi malilimutan ang dating pinaggalinan.
Sa paglipas ng apat na buwan kahit bulong ay hindi naaninag. At ako'y nalinlang sa pangakong hinayaan mo na dito'y matapaktapakan.