Nahimbing na ang lamparang iyong tangan-tangan “Di patas ang laban,” yan ang wika mo Bagkus ba’t ang gaas, di man lamang nasalinan? Tinalikuran mo sya’t agad nang pinagkaitan.
Kasikatan ang nais ng nag-aalab **** puso Mali man ang direksyon, sabay hithit at nakikiuso Ba’t ba ang nais mo’y iwan ang liwanag? Ba’t nais na ikahon ang sarili? At sa dilim, saka susubo ng kutsara.
Narating man ang apat na sulok ng kwadra Hugis bilog ang naging buhay At panay indayog mo Parang sirang plaka.
Pagal at walang kamalay-malay Pagkat mga letra’y inabot ng kamalasan Nilatigo sila’t naging busal pansamantala Bilanggong may gitgit sa maling pagkalinga.
Bumuhos ang gaas, nasayang bigla Ang apoy ay tubig na umusbong nang sagana Bagkus hinagpis at pait sa sikmura Abot sa langit na syang nagpapala.