Kaba ng puso ko’y Iyong pasan Pilit ko mang labanan Ang mga delubyong namamasukan Ay kusa kong ibinabaling Sa’yo ang tingin.
Pagkat kailanma’y hindi ako nag-iisa At sa bawat giyera’y Ikaw ang aking Sandata. Ang hiwaga ng Iyong pag-ibig Ay higit pa sa kung anumang bala’t palaso Na sa akin ay hinahagis upang ako’y sumuko na.
Hindi ako nagmamataas Na kaya kong patuloy na tumayo Sa kabila ng mga patibong Habang ako’y nakapikit pa.
Ngunit sa aking paniniwalang Ikaw ang aking Buhay, Ay Ikaw rin ang magbibigay daan Sa patuloy kong paglagay Patungo sa aking patutunguhan.
Sa aking pagbimbing Ay palagi Kang gising — Nakamulat at ako’y pinagmamasdan At patuloy na hinihingahan ng buhay.
Nang sa aking paggising Ay hindi kung kani-kaninong tinig Ang aking hahanapin. Pagkat ang nais ng puso ko’y Sa’yo ako pumisan habambuhay At Ikaw ay makapiling at maranasan Sa mga susunod pang bukas Nang wala nang pangamba pa.