Nanginginig ka Tila ba ayaw mo Akong pagmasdan. Hindi ko mawari ang nasasakupan Ng iyong isipan.
Sa aking paglapit Ay kusa kitang hahagkan. O, wag ka nang mangamba pa Pagkat kirot ay pansamantala.
Baunin mo ang aking liham Na iniukit ko saβyong katauhan. At wag **** isiping Ang pait na iyong sinapit Ay walang mabuting kapalit.
Magbilang ka ng mga araw pa At ang nararanasan mo ngayon Ay kusa mo nang maiintindihan ang dahilan. Mamuhay ka ng may galak, Mamuhay ka pagkat akoβy lilisan na.