Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay.
Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya.
Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban.
Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna.
Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan.
Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat
Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon.
Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
Life is full of challenges but that challenges made us stronger. Everything will be alright.