Ang ulan ang tanging makakapagsabi Na ikaw lang ang aking iniibig Ito rin ang tanging nakakasaksi Sa ating lubos na pagmamahalan Tinamaan na nga ng iyong kidlat
Nananalangin sa tuwing bumubuhos Tangayin sana ng hangin ang mga halik Na s'yang inaasam ng ating mga labi Maramdaman sana ang mga haplos Na ‘di kayang ipaabot ng ating palad
Pananabik ay lalo lamang tumitindi Kahit ilan pang bagyo ang dumaan Maghihintay kahit ga'no katagal Kung makikita pagtila'y bahaghari At sa dulo nito'y ikaw
Nadarama kaya ang init ng pag-ibig sa kabila ng panlalamig ng panahon?