Alas nuebe na ng gabi at heto, Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko. Malamig na ang hangin at madilim na ang langit, Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan; Pero ang dami kasing nag-uunahan, Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan- Walang pasintabi at mayroong sumisingit, Nananakit, Sumisitsit, O di kaya'y nagmumura na sa galit.
Ayan na nga, Mag-aalas dyes na, Pero, heto pa rin sa lansangan; Sa parehong kalsada at parehong estado- Naghihintay na umusad ang trapiko. Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago-