Ako ngayo'y nakatayo, naghihintay, hindi mapakali, buong puso'y nakaantabay. Sa pagbukas ng dalawang pinto sa dulo, sa hangganan, lahat ng tao, nakaabang, tayong dalawa'y magkahagkan.
At sa wakas heto na nga, sa umaalon **** belo ako'y napahanga. Aking mga mata, patak ng luha'y di mapigilan, ngiti at galak ko'y walang mapaglagyan.
Sa harap ng diyos, mahal, ako'y nangangako, parehong saya at hirap, tayong dalawa ang aako. Ikaw lamang at wala nang iba, Hanggang ang apoy ng buhay ay hindi na maglinga.