Hindi ko rin alam. Kung bakit naguguluhan, kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan. O mas gusto lang talaga mahirapan. Bawat tinginan na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka alam, nakakapansin, na meron talagang namamagitan sa atin. Isang napaka weirdong koneksyon na nagdudugtong sa mga isipan, iniisip pati ang pinaka malalim at ang pinaka sulok ng imahinasyon, kuha mo ako. At agad ay nakuha rin kita, hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na. O ako lang pala ang nakakaramdam, nakakaisip, nakakapansin, na ako lang pala ang nakakakita, nakakarinig, amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso o yayakap o lalapit upang tumabi, makipag-usap, oh sinta. Ganda ng iyong mga mata, chinita, halos hindi na ako makita kapag napapatawa, o hindi mo naman pala talaga ako nakikita sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako? Oh sana, habang napapatawa kita, habang lumiliit ang iyong mata ay mas lumakas ang pandinig mo, na ikaw lang sinisigaw nito. Nitong puso ko.