nagbabakasakali lang naman baka naaalala mo pa ako
naaalala mo pa ba unang pagkikita kulay ng supil mo'y pula ganda ng iyong mata ang nilaman ng mga dati kong kanta
naaalala mo pa ba ako oo sa likod ng 'yong ala-ala na minsan sa buhay mo ay hinagkan ako nilambing hinalikan iniyakan tinawanan at higit sa lahat at ang pinaka masakit sa lahat minahal
baka naaalala mo pa ang pagkakulang ng 'yong mga kamay dahil hindi nito hawak ang akin kung gaano kalungkot ang 'yong mga daliri dahil hindi nakapulupot sa akin
baka naaalala mo pa na ang laman ng mga mata mo ay ang mukha ko at ang laman ng utak mo ay ako, palagi
baka naaalala mo pa na bago ka tamaan ng rumaragasang sasakyan na nagpawala ng memorya at ala-ala mo ay kasama kita sinasambit ang matagal na nating mga pangarap anak, pamilya at iba pa
baka naaalala mo pa na bago ka mabunggo ng paparating na ilaw mula sa unahan ng rumaragasang sasakyan sa gitna ng dilim ay pinagdarasal ka na sana 'di magbago ang pagmamahal mo
ngayon sa apat na sulok ng 'yong kwarto sa ospital ay di mo ako naaalala limot ang dating ala-ala ang halik ang yakap ang luha ang hikbi ang tawa