Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon.
Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao.
Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan.
At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.