Napakadaya nang buhay,Kanya-kanyang palusot para tumakas at maglakbay Nagsinungaling ang tadhana ganun nga ba ang dahilan kung bakit sarado ang bintana Tunog lang ang iyong naririnig , dahil hindi mo pedeng husgaan ang nasa loob ng kanyang bibig Nagtataka ka dahil wala kang ebidensya sa mga narinig , Subalit umaatake padin ang mga daga sa dibdib Nanginginig , dahil di ka sigurado sa tono , tama nga siguro ang hinala ko
Nakakalungkot lang isipin sarili nating kaibigan,kamag-anak,kapatid Ay nagsisinungaling upang makamit ang kasiyahang dapat talagang ilihim Ang daya naman dito , gusto ko nalang tumakas dito at ipunas ang mga luha ko na hindi mo makikita dahil nakatago sa dilim
Balang araw dudungaw nalang ako sa isang butas na gawa sa abaka, At tatakasan ang ilusyong mundo at maglakbay sa reyalidad