Palubog na ang araw, mangungusap na naman ang gabi Hahanapin ang unan at ang ngiti'y isasantabi Ang bulaklak ay malalanta, ang saya'y magiging pighati Paano mararating ang panibago kung palaging nakatali sa "dati"
Dati na ang buhay ay walang kabuluhan Napakaraming nagawang kasalanan na hindi namalayan at nalalaman Kasalanan na dulot ay kasamaan, kayabangan, kasinungalingan at pagsuway sa magulang na hindi magawang pagsisihan
Palaging kinukutya at sinasabing walang panibago, kung ano ka, sino ka, magsisiwala't ng buo **** pagkatao Itinanim na ng mundo ang kasinungalingang ito, na hindi ma mababago pa ang "ikaw" na iyong binuo
Sinundan ka ng anino ng nakaraan Pilit pinapa-alala ang sugat na dati pang iniiyakan Tila patuloy pa ring nakagapos sa kadiliman Paulit-ulit na lang na sugatan at luhaan
Hanggang sa nakakulong na sa rehas ng pag-iisa Iniwan, sinaktan, hinahanap ang tunay na pag-ibig at pag-asa 'Saan ko matatagpuan? Kailan magtatapos ang sigwa? Madilim...pero magwawakas na
Dahil nang nakilala kita ng lubusan, ang aking dati mga kasalanan ay buong puso kong pinagsisihan Ang puso at kalooban ay gumaan kung saan ang dating ako na makasalanan ay hindi na babalik kailanman Ang dating buhay na puno ng kasalanan ay napalitan ng kalinisan, kapayapaan at kaligtasan
Nagpapasalamat ako sa pag gabay mo na kung minsan sa bawat problema na aking naranasan hinding-hindi mo ako iniwan Nagpapasalamat ako sa pag gabay mo na kung minsan sa aking buhay ay nawalan ng gana, ganang mabuhay pa ngunit nandiyan ka na nagsabi sa'kin na "Bumangon ka sa iyong pagkadapa."
Ikaw ang nagbigay sa'kin ng napakalaking PAG-ASA Pag-asa na mas malaki pa kesa sa mga naranasan kong pagsubok at problema Ikaw ang gabay sa oras ng problema na kasing laki ng barko, ngunit nandiyan ang solusyon mo sagot sa problema na kasing laki ng karagatan na natatanggap ko
Ginabayan mo ako at binago ang taong katulad ko na dati hindi nakikinig sa mga salita mo at ayaw basahin ang mga sulat mo Ngunit noong binago mo ako, ako ay patuloy na nagpagamit sa'yo Binuksan mo ang aking isip at puso at isinabuhay ang mga kabutihan na ibinibigay mo sa isang katulad ko Patuloy na maging instrumento, sa pagbabahagi ng mga salita mo
Kaya kapatid kung ramdam mo na buhat mo ang mundo at dala-dala ang bigat na meron dito Pangako, kaya niyang buhatin yan para sa'yo
Magtiwala ka sa kanya Siya ang mag silbing lakas at pag-asa Siya ang magiging dahilan sa iyong muling pagbangon pag-ahon sa nadamo **** pagkadapa At tila akala mo imposible ka nang mabuo pa
'Wag kang matakot dahil heto Siya Handa siyang pulutin ang bawat piraso ng puso **** basag at handang buohin ang puso **** wasak mula sa pagkabagsak
Kung nararamdaman mo na nasasaktan ka sa dinadanas mo dito sa mundo 'Wag kang mangamba dahil yang puso **** puno ng sakit, pasakit at hinanakit ay handa niyang hilumin at akuin para sa'yo
Dahil mas masakit pa ang naramdaman niya kesa sa dinanas mo Mas masakit pa nang suotin niya ang koronang tinik na walang halong pag-sisisi, Na buhatin ang krus ng kalbaryo sa ilalim ng tindi ng init at pagpako sa krus, para sa'yo lahat ginawa niya maging pag-ako ng kasalanan na ginagawa mo
Lahat ginawa niya tiniis lahat ng sakit ng walang hinihinging kapalit Kaya kapatid, lahat ng problema at pagsubok na mayroon dito sa mundo asahan mo di siya mawawala sa tabi mo
Kaya kung hindi ka man tinanggap ng mundo dahil sa iyong nakaraan, May AMA ka na naghihintay sa'yo at hindi ka babalewalain lang
Kaya AMA sa pag gabay mo sa isang katulad ko Natagpuan ko ang pagmamahal na walang dulo Maraming salamat Sa'yo.