Pinangako ko noong gabing Lumisan ka at akoy iyong iniwan, Na hindi na muli ako maglilimbag Ng kahit anong kanta o tula Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo
Ngunit heto ka nanaman Biglang lumitaw mula sa kawalan Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan.
Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat Ngunit heto ako ngayon, Nangangati ang mga kamay na muling humawak Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutanβna hindi pa naman pala
Muling inilimbag ang mga sakit Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat Muling maghilom ang mga peklat
At sa wakas sa dinami dami ng kalyo Na aking natamo Sa aking mahabang pagsusulat, Muling naghihilom ang mga sugat
Muling kakalimutan ka At kapag biglang naalala Muling maglilimbag at magsusulat Susubok makalimot muli sa lahat