Mag-aalas kwatro ng umaga nang aking maramdaman Hindi lang lumalim ang gabi ngunit umaga'y malapit nang madatnan Pinipilit akong balutin ng lungkot -- nais na ako'y matalo Kaya naisip ko gumawa ng talata na babasahin ko para sayo.
Hindi man malalim ang mga salitang ginagamit ko Huwag mo sanang isiping pagmamahal ko'y hindi abot hanggang langit Alam kong baguhan pa lang ako pagdating sa larangan ng pagsusulat.
Hindi man kita mapangiti, hindi ko man mabigyan ito ng pamagat Gusto ko lang na kahit papaano -- kahit papaano'y maipaabot ang lubusan kong pangungulila Sa babaeng ilang buwan ko pang hihintayin, manggagaling pa sa Maynila.
Alas kwatro pasado na, antok sakin ay nagbabadya Kaya sa aking paggising, sagutin mo rin ako gamit ang iyong talata.