Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip.
Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya.
Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip.
Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap.
Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya.
Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.