Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo
Sabay tayong nangarap noon At alam kung balang araw matutupad iyon Pero tila labag talaga sa atin ang mundo Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako
Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita
Umalis ka at ako'y iyong iniwan Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan
Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo Mga yakap mo gusto kung madama muli Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli
Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan Tila buhay ay parang sentonadong guitara Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya
Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan
Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito
Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay Masaya na ako mahal sa buhay kung ito Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo
Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako