Malamig nanaman ang gabi Ipipikit ko na ang mga mata ko Para siguro hindi ko maramdaman Na wala ka sa aking tabi Para siguro hindi ko maisip Na siya ngayon ang nasa bisig mo
11:11 na pala Ipipikit ko muli ang aking mata Pagkatapos ay titingala At kakausapin si bathala
Maaari bang siya'y saakin ay ibalik? Maaari bang siya'y saakin ay muling masabik? Maaari bang matupad ang aking hiling? Maaari bang siya'y muling makapiling?
11:12 na Mga mata ko ay nakasara Habang humihiling ng himala Habang tumutulo ang mga luha Heto parin ako, umaasa
Pero sino bang niloloko ko?
*Kahit ilang 11:11 pa ang dumating Hindi na siya mapapasakin