Sisiksik ka sa eskinitang Talamak ang mga choosy Aalukin ka pero ika'y tatanggi Kasi iba naman ang dinayo mo.
Pero doon ka pala matututong magpatawad Kasi pag gusto mo't pag mahal, Hihingi ka ng tawad.
Pero minsan, kahit buo pa ang ibayad mo, Di ka pa rin masukli-suklian. At doon mo mapagtatantong Ikaw na lang ang nasa eskinita -- Gabi na, umuwi ka na!