Pambungad Mo'y matatamis na mga ngiti Habang bitbit ko ang mga sandaling nilisan ang pagbati. Batid ng panlasa ang mapait na takipsilim, Ang kahapong yumurak sa Iyong kariktan.
May iilang sumisirit ng kandilang bilang Mayroon ding mga nagwawaldas ng dila; May nagwawalis ng kalat at siyang binabasura, Mayroon ding naglalakad ng nakaluhod.
Naging tigang ang lupaing napuno ng banyaga Sa haplos ng mga nanlilisik na mga mangungusig. Naging batas ang ideolohiyang makasarili, Itatakwil ang Perlas na sinisid pa't buhat sa bahaghari.
Tila mga kandadong walang susi Ang pagsaboy ng mga dikdikang tutuligsa sa Bayan. Dalamhati sa mga Anak ni Juan Mga bayaning umani ng nagniningas na rebolusyon.
Ramdam ko ang pluma ni Rizal Sa kamandag nito'y henerasyon ay aahon. Bulag, pipi't bingi'y aakma't aaklas ng panalangin Bangon Pilipinas! Ikaw ang natatangi naming Perlas!
Pare-parehas tayong Pilipino, lusubin natin ang Langit, bitbit ang mga panalangin. Hindi Siya bingi, Tayo ang Pilipinas at Siya ang tanging Batas!