Siya ay tatlong-daang talampakan mula sa aking kinatatayuan Sa kanyang pinaroroonan ako ay patungo Sa dulo ng pasilyong ito siya'y taimtim na naghihintay Sinuway ko ang tawag ng kahayokan ng damdamin At hindi kumatok nang madatnan ang pintuan ng kanyang silid "Hahayaan ko na lang siyang umidlip." sambit sa sarili
Martes
Siya, isang panibagong habol ng paningin, sumenyas May ngiti siyang ipinakita bago dumiretso sa kasilyas Sa silong ng eskuwelahan kung saan ako nag-aaral Ako'y sumunod sa utos ng aking katigangan Sumunod sa estrangherong may kislap sa kanyang ngiti Ngunit dali-dali akong umalis nang mga mata ko'y nanlisik
Miyerkules
Ako ay nakaupo sa dulo ng bus, iniwan ng mga pasaherong inip Napaisip at nag-iisip na bumaba na ngunit May sumakay na lalaking marilag at ako'y nabihag Hindi ko naiwasang hindi tumitig habang siya'y nakangisi At sa kanyang pagtabi at mag-dikit ang mga biyas namin Agarang tinawag ko ang kundoktor at pinahinto ang sasakyan
Huwebes
Mag-isa sa aking silid, nakahilata sa kama, Luna sa aking mukha Ang diwa ay naglalakbay at may hinahabol na alaala Bigla kong naalala may mensahe sa aking selepono Isang hubad na larawan ng kausap ko nang wala pang limang araw Nandilat ang aking mga mata at nagising ang aking diwa Sa kalakhang kanyang ipinakita na aking di naman gaanong pinansin
Biyernes
Ikaw ay aking muling nasulyapan sa isang kainan Malapit sa iyong tinitirhan, may kausap sa iyo'y nakikipagtitigan O sa imahinasyon ko lang iyon? Ngunit hindi ko maiaalis sa puso ko ang masindak, Manlumo, malumbay na kaya **** mabuhay na wala Ang init ng mga balat nating nagtatagpo.
Oh Diyos ko,
Ako'y pagbigyan mo makasama siya kahit isang gabi lang Isang magdamagang nananaig ang kamunduan Na maglapat ang aming mga dila Na masubo ko ang kabuuan niya hanggang mabulunan Na malasap ang alat ng pawis sa kanyang balat Na mahila ko ang kanyang buhok sa gigil ng pagkasabik Na muling takpan niya ang aking bibig, pinipigilan akong umimik
Sabado ng gabi may mensaheng bumungad sa'kin Kami raw ay mag-hapunan at kumain ng pang-himagas hanggang Linggo ng umaga
At sa pagkakataong ito ay pumayag na ako.
Read more of my works on Tumblr: brixartanart.tumbr.com