Kung pipitas ka ng tatlong rosas, Kung susulat ka ng tula, Kung harana ay siyang pagsuyo, Oo.
Kung makapaghihintay ka Sa tila kalsadang pinintahan ng pula, Habang ako'y may paanyaya, Oo.
Oo ang sagot sa mga tanong na naantala, Oo ang sagot sa pusong hindi pa nagkukusa. At oo ang pamagat sa tulang tila walang panimula. Oo, pagkat mahal kita.