Pag mulat ng mga mata Mukha mo ang nakita Sandaling nagkatitigan Natalo, inalis aking mga mata Samantalang ika'y patuloy sa pagsulyap Hanggang sa nakababa kana pala ng bus Paglingon ko'y wala kana Lumingon sa paligid, anino mo'y di makita
Ako'y nagsisi Sana ako'y ngumiti Nauna ang hiya Tuloy ika'y nawala Hindi ko alam Kung bakit ganoon aking pakiramdam Ng ika'y biglang nawala Hindi ka man lang nakilala
Ito ay para sa lalaking naka dilaw sa bus. Ng ako ay magising sa pagkakaidlip at dahil narin malapit na akong bumaba, mga mata nya ang tumambad sa akin. Assuming lang ako, pero ramdam ko may kuryente. Hahaha. Pero sa totoo lang, ang tagal nya kasi nakatingin, para bang kilala nya ako at kilala ko din sya. Since that day, bigla ko na lang syang maiiisip tapos napanaginipan ko na din sya. Sino ka nga ba??