Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang.
Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo.
Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad.
Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo?
May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino?
Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!