Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran.
Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap
Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao."
Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki
Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo."
Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin
Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.