Alam mo ba ang salitang pag-ibig? Natagpuan mo na ang iyong mangingibig? Handa ka na bang maging kaibig-ibig, Sa isang taong tinatangi mo't iniibig?
Nang tamaan ako ng pana ni Kupido, Nabighani ako sa isang katulad mo. Bumilis ang tibok nitong abang puso ko, Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Sa tuwing ika'y pinagmamasdan, Lagi akong tulala at hindi maintindihan. Natataranta sa tuwing ika'y mapapadaan, Sa aking harapan at ako'y iyong ngingitian.
Pag-ibig na nga itong aking nararamdaman. Naging magulo ang sistema sa aking katawan. Parang piyesta sa bayan kung ika'y pagkaguluhan, At nag-uumapaw na kaligayan kapag ako'y iyong kinindatan.
Ang iyong mga mata'y ay parang bituin sa kalangitan. Na nagniningning at punong-puno ng kaligayahan. Ang hugis ng iyong mukha ay parang engkantada sa kagubatan. Napakaamo at mala-anghel kung ika'y aking tititigan.
Nang ako'y magtapat ng aking tunay na hangarin, Naisiwalat ko ang sinisigaw nitong aking damdamin, Hindi ka nagdalawang-isip na ako'y agad na sagutin, At pinanindigan **** ako ay mahal mo rin.
Mahigit dalawampu't limang taon na ang ating pagsasama. Biniyayaan tayo ng anim na anak at masusunuring mga bata. Inaruga at minamahal natin bilang mapagmahal na ama at ina, Na siyang dahilan na matagal nating buhay mag-asawa.