Sa mga tala hihingi ako ng paunawa Mga bagay na di ko na dapat ginawa Pero sabi nga Baka naman daw masyado lang akong walang tiwala Sa sarili kong balisang balisa Mga bagay na di ko na maipaliwanag Kaya bang linawin ng ng mga talang aking laging tinatawag? Sabi ko gusto ko nang lumayo ngunit sabi ko din "wag" Di ko lubos maintindihan Kung ano ang dahilan Paano na ba iyan? Maipaliliwanag mo ba kung bakit ngayon wala nang laman? Kasi nung huli kong tinignan Lahat tayo'y masaya laging nandyan Ngayon... bakit? Bakit wala nang laman??? Pati puso ko di ko na maramdaman Sobrang sakit na hindi maipaliliwanag nino man Ayokong umalis nang hindi ito ayos Pero di ko talaga alam kung anong gagawin kong kilos Dahil sa tuwing ika'y kaharap na Lahat ng aking mga tanong ay biglang nawawala nang parang bula Di ko alam kung paano ka kakausapin tungkol dyan sa sitwasyong di kaunaunawa Kalagayan natin ngayo'y kaawa awa...
Di ko na talaga alam... Sa tingin ko'y ako na'y naging mangmang Kaya isang kudos na lamang Para sa ating lahat