Siya ngang may pakpak, walang laya Siya ngang boses ang umaga, walang hininga.
"Pisi Mo'y walang tugon, Sinumpang lupai'y may butil ng biyaya -- Pukpukin Mo ang pakong may anay na kalawang, Pagkat Balangkas Mo pa lang, Ako'y napayuyukod na. Ako'y marupok kaya't nasilo Mo -- Na-silong Sa'yong pag-ibig."
"Aking paglisa'y pansamantala lamang, Ako'y magbabalik sa panibagong araw, Babalikan kita, Huni mo'y siyang sigaw sa balintawak, Ika'y patotoo sa Aking pagbabalik *Kaya't humayong may sigla."