Nasumpungan kitang nakabilad Sa liwanag ng araw, isang imaheng Nakalantad, huwad na anyo ng Ritwal ng pagpupugay. Sa iyong
Anino'y nakasilong ang mga lantay Na tayutay ng hungkag na lipunan. Nariyan ang puta, pulubi, butas na lata, Gago't ganid na pulitiko, librong limot,
Bendor ng droga, banal na aso... Lahat sila ay mga βsila" na minsan **** Pinagtangkaang silaba't silain sa sulo ng Mapagpalayang kamalayan.
Kamatayan.
Nasumpungan kitang nakabilad sa Nakakabagabag na liwanag. Isang buhay Na moog ng kalayaa't kasarinlan, Kanlungan ng mga supremo ng rebolusyon
Ng paglikha't pagsilang sa kakanyahang Iginapos sa lumang mundong lalang ng Iyong panahon. Kami na mga gamo-gamo Ng lumang simoy ay patuloy na isisiwalat
Yaong hindi masumpungan sa lambong Ng liwanag na pinaningas ng iyong dugo.