Sinasalipadpad* ang mga *kalat sa pulitika Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato Sa modernong botohan Tila may iilang selyo, May mga balotang sanay Sa may agnas na kandado.
Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi At may mga bulag na nabibili ang dangal Iisa lang sana ang daan Pero may nagwawagayway ng limang daan.
Sa Pula at sa Dilaw Andaming banderitas.
Alam nyo, kapwa ko Magising tayo Mamulat na tayo Tama na ang bawian-buhay.
Itong Hari ng mga Pula May tandem na Itim Dugo't budhi ma'y kayrumi Hindi kasi pinapansin Ang Itim ang Hari ng Droga Panay ang kalat sa Puerto Princesa Ang Pula ang taga-walis Tila anghel sa bawat sigaw ng masa Naglipana kasi ang salapi Mula sa bulsa niyang binulsa lang din Nagkabaun-baon sa utang Itong siyudad na wala noong bahid.
Binayaran pati ang dangal Hindi lamang ng mga naturingang mangmang Eh kasi pati yung may rango Nagpatiwakal na rin Nanlimos ng barya ng bayan.
Buhay mga kinitil Kung ang salita ay bibitiwan, Barilin nyo kami nang talikuran Habang may hinagpis Kaming Inang Bayan.
Magwagi ka man Pula Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan Patas siyang lalaban sa Bayan Pagkat siyudad niya ito, Kaya nga "City of the Living God."
Marami mang pakulo ang partidong Pula Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak Kami'y maralita Palimos ng pag-asa Lalaban para sa hustisya.
Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan At basbas Mo'y sa Dilaw Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo.