Paulit-ulit Papalit-palit Palipat-lipat Ang usap-usapan Sa bahay-bahayan Ng mga tau-tauhan Sa mga bara-barangay Ng kung anu-anong May biglang nagsunug-sunugan.
SUNOG!!! SUNOG!!!
Kunwa-kunwarian Ng mga paslit-paslitan Na naglalaro ng bahay-bahayan Sa mga bara-barangay.
"sabi mo gawan kita ng tula. bakit nga kaya hindi? pero sa twing ilalapat ko ang tinta ng aking panulat sa papel at isusulat ang mga salita na para sa'yo. hindi ko maiwasan ang malungkot maluha at matakot, na baka hindi na muling dumating ang pagkakataong ito, ang magpagawa ka uli sakin ng tula."
Nang araw na iyon Minulat ko ang aking mga mata Kasabay ng pagsikat ng araw Sinimulan ko  ang labahin Kasabay ng pagdilig sa hardin Sinimulan ko na rin ang pagluto ng Sinigang Kasabay ng sinaing Sinimulan ko na rin ang paglampaso sa sahig Kasabay ng hiling na sana'y hindi na kita isipin.
Nang araw na iyon May nakalimutan pa ko?
Wala na.
Kasi kahit birthday mo Hindi ko magawang Kalimutan.
You were always there to comfort me You were always there when I need a shoulder to cry on You were always there to soothe away my tiredness You know me in my most vulnerable self when 3 am strikes You know my fears You know my dreams You know the man I whispered in my sleep You are my bed No human can ever replace you.