Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
36.2k · Mar 2018
Taha(na)n, Felipe
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
George Andres Jul 2016
Sawa na ako sa ideya ng Pag-ibig
Sawa ka na rin ba?
Sa pagbulong, paghikbi at pag-asa?
Dahil minsan mayroon akong nakilala
Isang bulaklak ng sampaguita
Bagamat di pa tuluyang bumubuka
Dinudumog na ng labis na pagsinta
At minsang umibig rin siya
At hinayaang pitasin ng isang binata
Ipinagkaloob ang taglay na kamurahan at bango
Isiniwalat lahat ng pinakatatago

Araw ni Valentino nang muli siyang nakita
Nangungulubot na ang kanyang mumunting petalya
Muli kong napansin na ang pagsinta
Katulad rin pala niya
May panahon ng pag usbong
May panahon ng pagkamatay

Hinubog na ideya sa ating isipan
Na ang pagmamahal ay walang katapusan
Iyan ang dahilan kung bakit sawa na ako
Sa ideya ng pag-ibig
71216
12.2k · Sep 2018
sumulat ako ng elehiya
George Andres Sep 2018
sumulat ako ng elehiya

ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya

tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!

nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.

hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,

binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya

at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban

sa huli, wala akong armas na nilundayan

sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
11.2k · Jul 2016
Pag-asa ng Bayang Wala
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
7.2k · Jun 2016
'Wag
George Andres Jun 2016
Pero hindi, hindi 'iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Ayaw ko na kase...

Gusto kong maging kaibigan ka pa
Ayaw kong dumaan lang sa buhay mo
At maging yugto nito
Hindi ko gustong maging tayo

Sana lang maging magkaibigan lang tayo
Yung matagal at walang hiwalayan
Ayaw kong mahulog sa'yo
Gusto ko lang parating nasa tabi mo

Ayaw kong mahulog sa'yo
Kasi ayaw kong maghanap pa uli ng tulad mo
Ayaw kong magsimula uli sa iba
Pero hinahanap ko sakanya ay ikaw parin pala

Ayaw kong mahulog sa isang kaibigan
Dahil lahat sila, wala nang kabigan
Wala nang balikan
Kaya ayaw ko

Gusto kong magkasama lang tayo
Walang kuryente, walang kabog ng dibdib
Hindi slow motion o fortune teller
Gusto ko magkasama lang tayo

Walang tayo pero may pagmamahal
Bilang kaibigan, parang magkapatid lang
Walang mas malalim pa
Walang lalalim pa
Kasi kapag gano'n, ayaw ko na

Iiwan na kita.
Ayaw ko na.
61916
6.7k · Jul 2016
MARIA CLARA
George Andres Jul 2016
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog
At pag-ibig na nalimot
Ay muling umahon sa ilalim ng ilog
At ako'y ginising sa aking pagtulog

Ang iyong kwento'y tila nauulit
Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit
At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis
Dahil kay Linares na di maalis

Ikaw ang Modernong Maria Clara
Masiyahin, mabuti at mganda
At ako si Crisostomong Ibarra
Walang pinagkaiba
Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha

Ikinasal sa bayan at mga pangarap
Patawad ngayo'y di kita maharap
Ika'y isang malayong pangarap
Na sa mga kurso'y di ko mahagilap

Anupa't ika'y nakangiti ngayon
Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon
Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong ****
Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon

Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan
Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman
Musikang ngayo'y kakampi
Dusa sa di makuhang pulang mga labi

Kung darating man ang panahong "Ikaw"
Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw
Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw

Sa di pagtingin sa king mata
Wari ko'y alam mo na
Ang aking tunay na nadarama
Mahal kita Maria Clara,
Paalam na
2015 Noli Me Tangere
George Andres Jul 2016
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita

Huwag mo kong ikulong sa mga salitang nais **** makitang taglay ko
Huwag mo kong sikilin ng kalayaan kong ipahayag ang nais ko

O bilangin ang metrong sumasaklaw sa mga katha ko
O mga tugmang umaabot na gayon na lamang ang paglantad na siya nga ay isang presong
Minsang kinulong sa iyong isipan at binigyan mo ng huwad na kalayaan

Huwag mo akong pigilan tulad ng mga letrang
iyong binitiwan kung sa'n ubos na ang oras na siyang dahilan
Upang matigilan ang mga salitang dumadaloy sa ugat na tila nagpipilahan
Sa isang lugar na napigilan ng kaguluhan at ingay ang malalayang sugnay
Ngayon ay dumadaloy na parang isang rumagasang ilog
Sa dulo ng dila ko ay laging naririyan

Isa akong salitang walang kahulugan ni patutunguhan
Salita ako ngunit hindi sinasalita
Ako ay kamatayan sa iilan
At buhay sa karamihan

Kaya't huwag mo akong pigilan ng mga pinili **** letrang
dapat ako, dapat ay tagalayin ko
Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya
Parang ako  
Ang tula ay malayang di tulad ng tao dahil dito
Walang batas na maaring pumuna
at saglit na mawaglit sa tunay na eksistensya
dahil ang tula ay tula na wala kang karapatang
Yurakan o ismiran o saktan man
Ang tula ay tula na mga anak  ng manunula
Hinabi ng emosyon ng puso
ng pawis na nararamdaman ang
bawat patak bawat tibok at bawat sigaw
Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya

Ako ang pag-ibig ako ang tula
Ang tula ng pag-ibig
Ang pag-ibig na mapagpalaya
Akong pag-ibig na hindi malaya

Kaya 'wag mo kong siilin ng mga salita
na nais **** makita na nasasa aking tula
Dahil ng tula ay tula
Ang tula ay malaya
Ang mundo ng tula kung sa'n malaya
Mundong nais ko sana
Isang mundong di ko kailanman matatamasa
Sa isang mundong kaaya-aya
7816
4.4k · Jun 2016
Isipin mo
George Andres Jun 2016
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?

Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado

At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"

Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito

Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig


Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam

'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?

Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya

Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa

Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?

Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping

Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip

Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
62816
3.7k · Jul 2016
Poli--teka?
George Andres Jul 2016
Ewan ko ba kung bakit
Sa pag-ibig may politika
Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo
Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo
Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo
O paagusin nang walang patumangga
Ano nga bang kapangyarihan ko?
Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan
Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo
O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo
Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya
Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo
Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo?
Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo?
Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay?
Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya?
Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo?
Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo?
Maraming dahilan yan kaibigan.
Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako
Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato.
O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko
O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo
Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo
Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya
Alam mo ba ang salitang yan?
Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan
Hindi ko, ngunit mo
Pinalampas mo ang pagkakataong
Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa
Kung ano ka naman talaga
Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi
Ikaw naman nililito mo siya
Binabato ng mga paratang
Tama na
Mahalin mo rin siya ah
Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili
Pinili mo yan
Magdusa ka
Kahit pa mahal kita
Eh kung sa di mo ko nakikita
Ni binilugan sa balota
Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko?
Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo?
Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo
Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto
Kaya kong gawin lahat 'yon

---

Kahit walang pondo kundi ang puso ko
Kasi independent party ako
At ang katotohanang walang tayo
Di magiging tayo
Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo
Tanggap ko
Wala naman akong hinihinging kapalit
Gusto ko lang masaya ka sa napili mo
At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo
Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis
Di man lang nagtira upang mabigyan ako

Pero sige na
Tama na'to
Wala nakong maramdaman
Isang kasinungalingan
Paalam na
Sana magtagal pa ang termino
Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
52916
3.1k · Oct 2016
Bakuran
George Andres Oct 2016
Maari ko bang masabing, iniiwasan ko ang pag-ibig?
Para bang sinasabi kong pinipigilan ko na ang huminga?
Lumanghap ng buhay at magtaboy ng karamay?
Sinasabi ko ring araw-araw na ang aking lamay

Hindi ako sumusulat ng tula ng poot
Pawang pag-ibig lamang na sa dugo'y nanunuot
Pagkahalina sa pag-iisa at paglalakbay
Pag-ibig na lamang ang sa tao'y bumubuhay

Iniibig ko ay hindi ang tinubuang lupa
Kundi sa mundong unos na ang sinagupa
Hinati ng porma ng pag-ibig sa sarili at kapwa
Nang bakuran, tinatawag nating ngayong mga bansa

Kung ang ideya ng mga tao'y di magkakapareho
Paanong lahat tayo'y magkakasundo?
Pag-ibig na dalisay sa pagtanggap
Hindi huwad, malinis at di nagpapanggap
10716
George Andres Jan 2017
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?

sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.

kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti

ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.

kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.

ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon

sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo

kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?

ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?

kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?

kailan ba nabuhay ang isang eskribo?

sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.

mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya

nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
PoemsFor....
1916
2.9k · Aug 2016
May Nila (They Have)
George Andres Aug 2016
Uy, gawa tayo ng tula
Kasi putang ina ng Maynila
Sa nayon ay dinadakila
Isang abot-kamay na tala

Kailan ka ba kakawala
Sa anino ng Maynila?
Umambon ay may baha
Selpon ay may kukuha

Walang pawis at luha
Walang ngiti ni tuwa
Kwartang pulos kaltas
Walang pambili ng bigas

Kapit kahit mapurol
Mga bundok ay gagawing burol
Nakakita ka na ba ng ulol?
Sa Maynila marami niyan,
buhol-buhol

Kung saan walang permanente
Maging sa suplay ng kuryente
Ang pamahalaan ang hinete
Tagasulsol naman ang gabinete

Kapatiran may kaputol
Basta't kumapit mala kuhol
May nakahihigit sa batas
Umangal ka at ika'y utas

Wala nang lunas
Wag ka nang lumuwas
Utang na loob kaibigan
Maawa ka sa iyong ksasadlakan
8316 WIP
2.9k · Jul 2016
Akala, Hayaan
George Andres Jul 2016
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang
Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang!
Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman
Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang
At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan
Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang
At di kayang punan ang puso kong kulang kulang

Nais kong umibig sa kalayaan
Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan
Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap
Sa buhay kong kay tagal di hinagap

Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo
At agawin ka man ng kahit kanino
Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo
Dahil ikaw ng pinili kong ibigin
Sa sibat o bala handa kang sagipin
Ialay ang boses na para sayo lamang
At walang ibang magkakamkam

Ikaw lamang ang hindi mamamatay
Na maski pagkaraan ng daan taong namatay
Ay muli ring mabubuhay
Kung mawala ka man saakin o aking giliw
Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw
Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas
Ay kahangalan ng isang batang mapangahas
O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas

Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man
Hindi ka nila maaagaw o kalayaan

Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan
Ubos ang laman, ginahasa't binayaran
Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan
Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan?
Di pa sapat ang aking kamalasan
Binaligtad aking katotohanan
Maging ang pagkapantay pantay
Na siya rin mismo ang pumatay
7816
2.2k · Aug 2016
Tapenshap
George Andres Aug 2016
Isang babae ang sumakay sa V. Mapa
Maikli ang buhok at kayumanggi
Nakapulang T-shirt at maikling shorts
Tsinelas na plastic ay may takong

Ang jeep ay mahaba, bago at maingay
Balahaw nito ang malakas na tugtugin
Ang barker ay mala trenta maging ang driver
Kung umasta ay tinedyer

Ang musika ay hindi musika
'Pagkat hindi lahat ng sinulat ay babasahin
Ni musika ang lahat ng tugtugin
Hindi musika kundi basura

Ang babae ay sumabay sa saliw ng tugtog
Kumanta nang may emosyon
Walang hiyang ikinampay ang kamay
At winasiwas ang yapos na sako

Hindi pa siya nagbabayad
Malamang wala siyang pera
Hindi siguro iyon ang dahilan ng tawanan
Sa kanya'y marahil may kakulangan

Nawala ang nagwawalang kanta
At nanahimik rin ang aba
Tulala sa kawalan habang may minamantra
Bakit kaya kabisado niya ang kanta?

Kung mayroon mang makapagsasabi
Ano ang nasa isipan ng isang tao
Na hindi rin masasabi kung ano
Paanong ang pag-unawa'y matatamo?

Sila ba talaga ang wala sa katinuan?
Kung sila ang ating pinagtatawanan
Kung mga mata nila'y walang bahid
Pahid ng alinlangan at pagdududa

Naririnig din ba niya
Sigaw ng barker sa kalsada?
Nararamdaman din ba niya
Dampi ng tubig ulan

Naiisip niya kaya
Kung ano ang kinabukasan?
Nagmamadali rin ba siyang makauwi
Dahil may exam kinabukasan?

Bumaba siya sa harap ng arko
Tumalon at masayang nagsayaw sa gitna
Tinunton ang daan sa Teresa
Di namalayang nariyan na siya
Sa patutunguhan niya
8416
2.2k · Jul 2016
Ikaw nanaman?!
George Andres Jul 2016
Bakit ba gusto ng mga tao ng simpleng mga salita?
Kahit ba gasgas na, sugatan na o nakakaumay na?
Wala ba silang pandinig?
Hindi ba nila alam na nakakapurga na?
Bakit ba kapag durog ka,
Lahat ng salita, tila lahat sa'yo patama?

Gusto ng tao ng payak na salita
Dahil ba ayaw niyang mag-isip?
Iyon lang ba ang mga salitang may puso?
Pag-ibig, nasasaktan, mahal, ulan, luha
Na paulit-ulit ko nang naririnig
Nasasaktan ka, oo pero ano pa ba
Pwede mo bang sabihin sa ibang paraan?
Kailangan ba lahat tayo ay pare-pareho?

Kung gusto ng lahat ng simple,
Lahat na tayo magkakatulad
Sabi nga ng anak ni Oble
Generika gaya ni Lang Leav
7316

Di ako makapag-isip ng tulang walang kagaya. Nakakdismaya dahil kung kailan ko kailangang magdugo, nasaid na ang dugo, kung kailan ko kailangang umagas, walang lumalabas.
2.0k · Jul 2016
West Philippine Sea
George Andres Jul 2016
Pag-aari mo
'Yan ang sabi mo
Ngunit nanalo ako
71716
2.0k · Jul 2016
Nakita ko si Duterte
George Andres Jul 2016
Nakita ko si Duterte
Nakita ko ang presidente
Nang bawian niya ng buhay ang isang residente
Siya ba ang nagbigay ng buhay na kahit walang laman
Pinipilit isalba ang hamak na katawan?
Pinipilit iukol lahat ng kagustuhan
Ang mamang iyon ay nais lamang ang kanyang tahanan
Nang bombahin ng trak ang barikada
Kinalabit ng pangulo
Makamandag na sandata’t lumabas ang punglo
Nasaksihan ng musmos ang pagsabog ng bungo

Nakita ko ang presidente
Sa pila PNR
Kung paanong tinusok niya ang bag na aking dala
At kung paanong ngumiti siya nang ako’y makaraan
At nang minsang ang tren, ako’y iwan
Sinamahan akong simpatyahan
Nang isang huli nalang ako na ay liban

Nakita ko ang presidente
Nang minsan akong pumunta sa palengke
Isang sanggol ang kanyang hinehele
Habang binibilang sukli ko sa bente
Nagkataong kulang pa ng siete
Itinulak niya ang isang bata
Binastos ang isang matanda
At isang babaeng di tinulungan sa dalahin
Binuska ang linya ng kanyang ipin

Nakita ko ang presidente
Nang bigyan niya ng tinapay ang isang pulubi
Nang hindi niya itinapon ang basura sa tabi-tabi
At sa kapwa matuwid siyang nagsilbi

Nakita ko ang presidente
Sa mata ng isang bata
Nagsisismulang isipin ang tama o mali
Kung sinong dapat idolohin
O kung dapat bang maging padalos-dalos at matulin

Tunay na siya ang salamin ng sambayanan
Ang piniling maging repleksyon ng paniniwala nati’t kakayahan
71216
1.9k · Jul 2016
Untitled
George Andres Jul 2016
Kaya mo bang magsulat nang walang nararamdaman?
Kaya mo bang magmahal nang wala nang pagmamahal?
1.8k · Jun 2016
Bagong Bagon
George Andres Jun 2016
Papalapit na ang tren
Katulad ng pagdating mo
Mabilis, marahas at walang pasabi
Umuusok, tahimik at maingay

Kasabay ng pagdating nito
Ay pagdating ng bagong bagon
Katulad mo rin
Katulad mo

Kasabay ng pag-alis nito
Ay ang paglaho ng pag-ibig ko sa'yo
Kasama lahat, punong-puno
Walang ititira
Palalayain ka na
61816
1.8k · Jun 2016
Kaninang Umaga
George Andres Jun 2016
Bakit kailangang makilala ka pa?
Masikip ang mundo para sa dalawa
Sa ilog ng tahimik na buhay
Ba't ka ba sumablay?

Sa huling araw ba't ka ba tumabi?
Sayang bakas sa maputlang mga labi
Indak ng 'yong kulay, sumasabay sa araw
Sa itim ng 'yong mata'y nakita, isang bulalakaw

Ngunit bakit nakilala ka pa?
Kung sa huli'y lilisan rin pala?
Kaninang umaga bumati ka pa
Sa panaginip ko, huli na nating pagkikita
63016
1.7k · Jul 2016
Iskolar ng Bayang Dukha
George Andres Jul 2016
Madilim na sulok kung san nagdurugo ang mga palad
Na alala ko pa no'y si Inang ingat na ingat
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Na di ko na maalala itsura kung anong ipis

Ngunit sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong

Taga UP ako, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Taas ng pinag-aralan ko, kung sa ibang bansa, sahod lang ng bayaran?
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
7816
1.7k · Jul 2016
Due Process
George Andres Jul 2016
Ihain kaso
Sa mga akusado
Buksan ang lente
At maging responsable
Hiling sa presidente

Bangkay na patong-patong
Placard na nagsasabing
Sila ay lulong
Karapatang pantao
Ba't di isulong?

Dapat ibulong
Sila ay mali
Ng gawaing napili
Mabuti pang isuplong
Di ba dapat ikulong?

Dugong dumanak
Kailan katanggap-tanggap?
Dulot ng panganganak
Sumpa o tulong?
Bara ba sa pagsulong?

Lumobong bilang
Mga napagbintangan
Pagbilog ng b'wan
Supling na nanakawan
Walang kinabukasan
71716
1.6k · Jul 2016
Kwadro
George Andres Jul 2016
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan
Lahat ng naglalaro sa'king isipan
Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro
Sa inyong mga tamad na isipan
At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan
Na para saaki'y isang malaking katangahan
At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan
At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan
At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman
Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha
Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha
Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip
Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag
O kung bukas ay ang kadiliman naman
Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan?
Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban
Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan
Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
7816
1.6k · May 2016
Sintang Paaralan
George Andres May 2016
May silong at hangin
Sa bagsik ng tirik,
Kung sumuong lalagkit
Puno't halaman

May tubig at init
Malakas na kampay
Umaalon
Umaalulong

Maginhawang buhay
Pipiliin ba?
Kapalit ng lahat
Ikaw ba sakali'y sasapat?

Himukin man
Sisirin ang ugat
Maghintay ng tagak
Lagpak-lagpak
41916
1.2k · Dec 2016
(M)Alala
George Andres Dec 2016
Nakalimot ako
Kung paanong magsulat
Ng isang akdang pampanitikan
Hindi ko na muli alam kung papaanong
Sisimulan o tatapusin o hahabiin
Ang kalagitnaan ng walang katapusang salita
Nakalimot ako
Naubusan ako ng tinta dahil
Nagmahal yata ng iba
Wala na akong papel sa buhay mo
O sa ibang taong
Taon-taon na lamang sa simula ng taon
Pinangarap kong makasama upang makita ang mga lumilipad na parol
Nakalimot ako
Sa nagdaang taon
Paano ko nga ba ikinulong ang sarili sa isang kahon
Nanatili roon ng mahabang panahon
Nagdugo ng mga letra para sa kanyang patron
Paano?
Paano ko naalala ang maliliit na bagay na nagdulot ng hapdi
At ibaling iyon sa papel na akala ko ay mayroon ako
Nakalimot akong kalimutan ka at ang iyong alaalang wala naman talaga
Kasi diba?
Hindi naman tayo magkakilala
Nakalimot ako kung sino ka
Isang taong hindi ko na nais kilalanin pa.
maligayang bagong taon
1.2k · Jul 2016
Inday, Neneng at Sinang
George Andres Jul 2016
Sa titulo tila may kulang
Pangala'y di maisulat lamang
Sa aking paningi'y higit pa
Kay Maria Clarang inyong aba

Dalisay sa pagtugtog ng alpa
Sa kanya'y wala nang hihigit pa
Isang tunay na binibining gwapa

Istrikto't malambing
Ganda'y nakapupuwing
Singlambot ng mamon ang puso
At laging nakasunod sa uso

Si Maria Clara man ang hiling nila
Sa aki'y sa kanya, wala nang hihigit pa
Maging si Inday, Andeng at Sinang
Sa mundo'y nais siyang ipakilala
Ngunit tulad nga ng nauna,
Ang pag-ibig na ito ay walng pag-asa
2015 Noli Me Tangere
1.1k · Jul 2016
Padayon
George Andres Jul 2016
Bagong panahon
Dalwa'mpu't 'sang dantaon
Diskriminasyon
Makalumang panahon
Tayo na't pumadayon
71716
1.1k · Jul 2016
Isa akong Manunulot
George Andres Jul 2016
Maraming klase ng manunulot
Isa ka ba saamin?
May manunulot na makata
Halos makikita mo sa kanyang mga 'akda'
Sing-rurok ng bundok na di na maabot
Maging siyang isang manunulot
May manunulot na umiibig
Na minsan masarap buhusan ng tubig
Umamin nang manunulot siya sa mga umuusig
May mga manunulot na paawa at patawa
Eto ang self-defense mechanism nila
Kaya 'wag kang magpapadala
Ika nga, manunulot lang sila
Magagaling kumuha ng mga akda
Marami pang klase ng manunulot
Pero 'yan muna, sunod sa makalawa
Hihintay ko pang ipost niya yung pangalawa
7816
1.1k · Mar 2018
cosine
George Andres Mar 2018
i want you to remind me
how the moon and the stars above
glance and hides how shy they were
whenever your voice soothes the trees and living creatures, reverberating the paradox of joy and sadness in your giggle

i want you to remind me
how the ends will never be the means of loving and that saturating my soul with your presence is more than i could ever receive, a reality unmet with circumstances of chains upon ourselves

i want you to remind me
how long it would take to consume the universe on your palm or the life in one single breath, or the night with a hymn that lights up my way home

i want you to remind me
of remembering goodbyes and hellos
the mellow sound of now and the agonizing tomorrow swifting its way to uncanny sound of laughter and sniffed tears

i want you to remind me
that there are more to life than we ever thought of: death, absence, nothingness

i want you to remind me
that i could always see the mirror of myself in your brushed short hair, chapped lips and past you never left behind, just the like the songs i've made to remind how unusual semblance of people unites hearts and eventually tear them apart

i want you to remind me
of the days where i loved deeply and without hesitation or fear of falling behind or the anxiety of losing what i never had in the first place

i want you to remind me of the days like this
where the smile in my face meant the world, home, and happiness from your single hello or the way you tilt your head and stare and smile and laugh or when your cheeks blush and swims together with the universe in your eyes and the waters deeply engraved in your fingers how the waves strum the music in your spirit and soul

how i want you to remember,

the way i will remind you:

i will remind you of how i love seeing you mess around and make everyone happy, your vain and cuddly smile behind the tint of the sun, along the banquets of academics and artists

i will remind you of how assured i was that you were whom i prayed for to a nonexistent deity of the wind and beauty; how i wished to feel its rush as i roam around, and steep-down the wheels, continuously weighing down unafraid of a valley of morality and questions

i will remind you of the philosophy of the meaninglessness of existence and how life was never the meaning but pain of waiting for death; you made it bearable and the ample grace of your heart is what i'll keep to my future journeys of seeking what i would trade for life itself enduring the morning commutes and cruelty of mischievous eyes

i will remind you of the day i saw you, and how tall you stand as me or how shy i was whenever i was in front of the crowd, but most of the time you give me the strenght to brush off what everyone would say

i will remind you of the day, and the days to come
i will not ask for more or less, it will be enough, and i hope with that, i will be enough, and i, hope you would always remind me #
32119PFE
1.0k · Jun 2016
Utang
George Andres Jun 2016
Hindi na importante
Kung ano ka, ano ako
Kung ano tayo

Ang importante?
*Magbayad ka ng utang mo
62816
1.0k · Jul 2016
Depresyon
George Andres Jul 2016
Di makahinga
Malakas na ang alon
Di makalangoy
71716
945 · May 2016
The Problem
George Andres May 2016
Ang problema?

Mga nagsusulat na di nagbabasa
Mga nagbabasa na nakakaintindi
Mga nakakaintindi na di nakakaunawa
Mga nakakaunawa na di gumagawa
Mga gumagawa na di nag-iisip
Mga nag-iisip na di nagmamahal
Mga nagmamahal na di nagpapatawad
Mga nagpapatawad na di nakakalimot
Mga nakakalimot...
51816
809 · Jun 2017
Potograpiya
George Andres Jun 2017
Sa susunod kong iibigin

Hindi ko nais ng mga larawan
Nakasabit sa mundo upang maarawan
Dahil hindi ito isang bulaklak sa halamanan
Tubig ang kailangan ng mga bakawan
At ang kuwadro ng bulalakaw ay sa kalangitan

Hindi ko nais ng mga larawan
Hindi mapurol ang lente ng aking mga mata
Upang palitan ang pagsulyap ko sa'yo ng isang shot ng camera
Nais kong tingnan ang mga labi mo't makita
Ang kurba nito't pula,
Taingang nag-iinit kung bibiruin kamo kita
Sa tuwing sasabihin kong ikaw ay maganda

Hindi ko nais malaman nila
Hindi sa inaangkin kong akin ka
Dahil ikaw ay sa mga tala, kailanma'y hindi ko pag-aari ka
Hindi ko nais malaman nila
Dahil ang nasa labas ay madalas ipinapakita lamang ay maganda
At ang larawan kung minsan ay imahe ng hindi totoo
Ng saglit na pagtipa kung 'aayon ba sila dito?'

Maikling pagtatagpong hindi itinadhana
Hindi ko nais na sa loob ng kwadrong ito ka maalala
May kwento ang bawat larawan
At madalas sa mga ito ay pulos pighati lamang

Hindi ko nais na umayon sa lipunan at kung ano ang kanyang idinidikta
Hindi ko nais dumating ang araw na tatanungin kita kung totoo ka ba
807 · Aug 2016
Mamulat
George Andres Aug 2016
Ikaila **** ika'y manunulat
Hayaan **** putulin ang iyong ugat
Huwag iwanan ang iyong lamat
Ibigay mo ang sapat, 'wag lahat-lahat

Itanggi mo ang iyong pagkatangi
Ibulong sa hangin ang iyong mga sipi
Itago sa baul ang iyong lahi
Itatwa ang pinagmulan **** lipi

Hindi ka hambog ni mayabang
Isa kang humihingang nilalang
Panulat ang iyong kalaban
Ito rin ang gasolina sa tangke ****
salat sa laman

'Wag **** sabihing ika'y manunulat
'Wag mo ring itanggi na isa kang alagad
Walang manunulat ang tapat
Lahat ng tao ay may sugat
Tao ka lang
Pero isa kang manunulat
MAMULAT!
8416
759 · Oct 2016
YON FEISU
George Andres Oct 2016
Naneun, Yeon Feisu Imnida
Reared from a turkish tribe
Faced the border's Yuan army

The commander who had the Silk Road
Daughter of General Batolu
A warrior, who had lost her mind

The warzone was full of blood and loss
The battlefield was full of corpse
Their bodies crying for the agony to end

You, a deposed Goryo monarch
Spared my life from hellfire
Left to breathe in shame and sorrow

Left with no chance to live
With dignity and honor
I became your lifeless subject

I picked up the sword
Buried the last ounce of hope
For my tribe, my home
Whom you conquered

A hunt for Gumihos and Tigers
You threw yourself as prey
To save the chased nine-tailed fox

The emperor's most favored consort
You dare stare at your possible death
And took the blade for her sake

While I took the poison arrow
You dared show me your weakness
I dared mend your wounded chest

I tried to unlove you
So I could protect you,
For I'll never have your heart

There will always be two martyrs:
The oppressed and the oppresor
The protected and the protector

I wish I could rest from the battle
I fought alone
And find my own path

I had to leave  
For my life is of my tribe
I left, having the concern in your eyes
102516
757 · Jul 2016
Imahen
George Andres Jul 2016
Minsan kahit puro paglalarawan
Nakakatha man ng imahen
Wala paring puso na nararadaman
Kung sinpleng salita rin naman
Kayang punan ang kakulangan
7416
670 · Jun 2016
May-Akda
George Andres Jun 2016
Nanaginip akong hawak ang mga kamay mo
Nagising akong hawak ang akin lang pala
Natitigan ko ang mga mata mo
Nangungusap, sana kilala mo rin ako

Nawala na ang kaba kung ika'y nababasa
Pero ikaw ay iniisip parin sinta
Isang araw sana kita'y makita
Nang di na malito, nararamdama'y makumpirma
62716
623 · Jul 2016
Education: Not For Sale
George Andres Jul 2016
Harapin hamon
Layon ng edukasyon
Magsilbing timon
71716
569 · Jun 2016
Chinky Eyes
George Andres Jun 2016
What's within the eye that keeps us drawn?
That it kills us when we see that person frown
It was surreal, like an abstract idea
That each one of us could see what is inside those eyes

That one day, blue are not the skies
And you can't even take those sighs
Food won't be as tasty as your favorite pie
When it'll take some guts to see that person cry

In our belief they were the mirrors,
But for me, they were tunnels: unknown
Yet to be discovered
It's not about whom you see your future with,
Nor with whom you see the shadows of your past
But with the joy of your present

Beautiful sight, it was
However, the universe is so vast
Conspiring since you were not yet born
Exploding as the sirens and horns

Little did I know, in those sets of eyes, I am but a clown
In a chess game I was a pawn
Forever stucked in that zone
Called, friendzone
61816
549 · Jul 2016
poot
George Andres Jul 2016
kumukulong dugo ko
kamao sa labi mo
dugo iinumin mo
mamatay ka na.
546 · Jul 2016
COTILLION Let's Sing!
George Andres Jul 2016
Left, right, left, right
Change step march
Heartbeats pounding
with the rhythm
Count cadence count!
1,2,3,4  1,2,3,4
1234! Bam!

Sway backwards,
left, right
Hold her waist
Touch his hand
Pleasing the hormone's rage

Trembling knees
Uneasy eyes
Jealous heart
And lustful smiles

Those are dancing
and here is marching
Look right to the base
and see his handsome face! Hey!
2015 Promenade
521 · Jun 2017
i'm afraid to touch you
George Andres Jun 2017
i'm afraid to touch you

hell, what am i gonna do?
if i unconsciously held you in my arms
and told you i loved you
for the longest time i held back
from touching you
god, what am i gonna do
if my fingertips suddenly traced your cheeks
and had my soul drawn
by your million galaxy eyes
heaven knows, what i could do
if i touched your hips and the back of your neck
and carressed your hair
tucked it behind your ears
demons living inside me
might devour your lips and enter your mouth
rummage your tongue and live inside you

i'm afraid to touch you

you weren't
you've always had your hand beside me
but i couldn't take the risk
what if it's just me?

i'm afraid to touch you

you're not worth-taking the risk
i've held my heart behind the bars of my ribs
for how much long i could possibly lead
a short time of euphoria is never a risk
i would be willing to take for a second of bliss
guess suffering wouldn't be called so
if having you all the time is all i could afford
that i'll be more than willing to hoard

i'm afraid to touch you

you have no idea
how i've been on my wit's end
you have no idea
how you were a huge tease
the sun rises
the sun sets
but the only thing constant
would be my feeling's change
it grows more each day
and wants you more like a prayer

you have no idea
why i would not embrace you
when all i wanted to do was to do so
every morning and evening of my life
you have no idea,
why i won't hold your hand back
when all i wanted to do was to show them
it was mine
or it could have been mine
you were wondering why i froze with your gaze
you have no idea
how my heart pumps deuce
how my veins expand

and you call me red
when all i feel was blue
the coldness of my feet
the winter in my hand
the constrictor in my lungs
you were wondering why i won't look at you
you have no idea
because i look when no one else does
because i look at you not the way others can see you

i wish i wasn't afraid to touch you
i wish i was selfish
when it comes to you
61817 sometimes i'm wondering who i wrote these poems for.-103117
it was still for you. the first poem and probably the last. 21418
516 · Aug 2016
Adieu
George Andres Aug 2016
Don't call me a hopeless romantic
I apologize I cannot help myself
But to smile whenever you look at me
Whenever the folds of your cheek
Wrinkle through your brown eyes
As the strands of your straight black hair
Jets down and sways with the wind

When was the last time
That I appreciated beauty more than I do?
When your laugh lifts up my bones
The thought that you exist
Makes me want to dream again

Call me hopeless romantic
But I am not
I don't believe a fantasy story
For people like me

Every time we say hello
I ought it to be the last time
I never want to bid goodbye
When everything falls deep
All I could do was to cry

Don't let me die in your arms
Please don't lure me with your charms
I want to escape and let go
When the morning shines
And everything's not yet too late

I clicked the bait for how many times
I had crossed so many lines
But for the love of God I looked away
I stand to see the sun kiss the sea
I watched it leave at night
While the waters are admired
by the moon above

I'm in ecstacy
Your scent is a smoke in my lungs
It burns throughout
But it feels so good
That I want more
Having my eyes on you is a vice
Where pain is what I'll have to trade
All I have are hours to wait
For this ******* feelings to fade
You bother me in your own simple way
Like when you exist
Or move, or touch or stand or drink or blink

Every you is a perfection I seek
The illusion of infatuation
The false imagery and temporary blindness
For the last time, I want to embrace you
I hope that what I feel is contagious
So you'll feel how it is when I'm thinking of you
When your soft and cold voice
Rushes through my neck on a summer night
Or when you became a song through my mind

I feel sick
Nearing the end of the brick
Like a brittle stick I break down
Insane I don't know what to do for the sixth time
I could sleep tonight in peace
But I chose to write this poem for you
For on eternity I'll surely miss you
8616
**** me now, for I wrote a song of love.
511 · Jul 2016
PNR o GOT?
George Andres Jul 2016
Siksik sa kahon
Huminto na bagon
Ika'y tumalon
71716
491 · Jul 2016
SUPPORTING CAST
George Andres Jul 2016
They held your hands and you ignore
I offered mine and you held it
What was that for?
A sign that you love it?

Reminiscing the old year
We are like more than peers
Joy was the meaning of our tears
And though happy we never drank a single beer

That's what we are a year ago
You told me to stay and I never let go
You wish we're like these
'til months and years
And decade and five years

A *** can never separate us
Even with a heavy creepy fuss
But that's in the life's happiest past
When in your movie,
*I was the main cast
2015
479 · Jul 2016
Untitled
George Andres Jul 2016
Maraming dahilan bakit ang tao'y tumutula
Hindi dahil kailangan
Kundi dahil gusto niya
7316
436 · Dec 2016
Zion
George Andres Dec 2016
Burdens lay on you, and
Earth pounds your being
Rain casts upon you
Neither the sun nor the moon could save you
Am I being misguided
Doomed to be forever attracted
Etched with my heart are scars
That past lovers had patched
Time did not heal these
End of times cannot erase
Amidst the storm you came
Not one knew about you
Neither I who just admires from afar
Every move I watch and laugh and find you so attractive
Most of my writings can't understand
Almost everything comes to halt
Rendezvouz on our right time
Queue, that I'm in for a long time
Under the blue night sky
Ends with me by your side
Zion be thy witness
Mezmerized by your unknown voice
Ornamented with your sweet lips and eyes
Rummaging my stomach with eagles and falcons
Arbitrating my defense against a tiger
Let's be honest in here my dear
Even you think less of yourself
See how I think more of you
6816
how does it feel when someone writes about you?
429 · Jul 2016
Never Lie to a Poem
George Andres Jul 2016
You asked if I was in love
"Do you have some one you love?"
If I say no, my notes will call me a liar
So I stutter, "I, are.."

I say, yes, why do you ask?
And I continued, "It's in the past."
Because I know if I deny that
My poems wouldn't like that
2014
415 · Aug 2016
SEEN.
George Andres Aug 2016
We don't write to be seen
*We write to be heard..
8616
415 · Nov 2017
Dilim
George Andres Nov 2017
Maaari na ba 'kong magsulat muli?
Wala nang pagkakaiba ang pula at puti
Sa dilim na bumabalot unti-unti
Lalamunin ng dagat ang buhanginan
at tatapyasin ng hangin magulo kong isipan
Maghihimutok ang buwan sa araw na nagdaan
na hindi ka sinuyo o kinausap man lang
Aaraw na sa mga susunod pang oras
Tutuyuin ang pag-agos ng ilog na marahas
Walang direksyon ang kamay kong nanginginig
Nagniniig, sumisikip, kumakapit sa malamig na ukit
ng paghaplos ng mga mata sa larawan mo
Nagtatalo, nagpupumiglas, ang hawlang banat at butas
Lilimutin ko ang kapayapaan ng iyong mga labi
na walang sinambit na salitang ihahabi
Ang oras na hinintay upang masabi
na darating din ang huli at takipsilim
Babalutin ka't kakanlungin sa aking lambing
Hindi ka na mag-iisa't lalasapin ang ligaya
Katulad **** nalulumbay mag-isa ako dito sa'king hukay
Hawakan mo naman ako sa aking pagkakahimlay
Sa bituin **** kumikislap ako'y natatangay
Nawawalan ng malay kumakaway sa ngiti
Nawawala ang pighati't lumalaya ang mga berso
Kumakawag sa lalim ng karagatang inilimlim
Ako sa hangin na para bang inakay na naghihintay
Naghihintay pa rin at nalulumbay kung wala ka
Para bang hindi nauubusan ng salita
Lumalamang ang hiya na kahit kailan Mayroon bang sapat upang mahalin ka't hangaan ang iyong bawat galaw
Bawat perpeksyong hindi alintana ang mali
Sa inpatuwasyon ng pagkabulag ko
Hindi nakita ang pagbagsak
ng luha ng tuhod ng balikat sa kaba
Sa isang iglap naglaho ka na akala ko ba
Ako ang nang-iwan sa ginaw kong aba
10117
Next page