Kung di kaya tayo nagkita, Paano ko mahahanap ang lihim na palasyo ng saya?
Ang alam ko lang musika noon ay namamatay na sigaw galing sa milyong-milyong bangin
Kuntento na sana ako malunod doon Paulit-ulit...
Hanggang narinig ko ang boses mo na hinalik nang payapa ng isang mitikal na kagubatan sa gitna ng gabi
Hinaluan pa ng bagyo ng rebelyon at init na tamang-tama sa akin
Nakaka-excite ka...
Hinahanap ang iyong tunog sa kahit anong anyo Sa kahit saang lugar
Naaaliw sa iyong misteryo Bakit kasi rin ang angas mo noong sa munting sandalian na nag-usap tayo?
Planado ko na ipantay ang ihip ng hangin sa direksiyon mo Ang tanglaw ng tadhana Naaabot ko na
I-ikaw din pala? Gusto mo ipantay ang direksiyon Hindi pala ako nag-iisa...
Hindi na tayo mag-isa.
Nabunyag ko pa na may tamis na tago sa iyong pigura Di na kita mabura Paano ka burahin... Paano ka ba buburahin?!
Hanggang naintindihan ko na wala nang magpapantay
Hinawakan ka na Paulit-ulit Inuulit sa kamay Sa labi Sa isip
Napabangungot noong isang gabi na maghiwalay Luha naman ang nahalay Wala man "silang" gusto sa ideya natin Mahihimatay na lang sa tamlay Ng mga nagtatalampasang emosyon nila na walang malay Hahawakan ka hanggang di hulihin Hahalikan ka kahit babagyuhin Walang kahulugan ang pagpigil ng damdamin
Unang-una ko itong pag-iibigan Akala ko hindi ko maiiwasan ang kasaysayan ng dugo ko na puro sa maling tao napunta ang pagmamahalan Akala ko wala nang mag-aalaga sa sirang tao na katulad ko Napaka-haba ng iyong pasensya Kasi ako wala na talagang pasensya sa sarili ko Ang presko nang may nagtatanggap sa aking konsensiya Na walang kapalit na hinihintay Na walang sampal na hinihintay
Dami dami mo nang ginagawa pero Wala ka talagang kailangan gawin Para pasayahin ako Mamasdan ka lang Kasi hindi kita papakawalan
Pumantay ang linya Pumantay ang oras Pumantay ang agos Pumantay ang dagat