‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan Parating nagtatapat na magkabilang panig Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira Nandiyan ka na naman sa iyong sulok Hindi mapigilang umiyak at magmukmok Ako nama’y nandito sa kabilang dako Pinupulot ang mga bubog na iyong binato
Ang mga sugat na matagal nang naghilom Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan? Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Para tuluyan mo na akong patawarin?
Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita
Isang rason lang ang aking sasabihin Isang rason na sana’y di mo limutin Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
First ever Tagalog poem. First time writing in my native language. I'm pretty much nervous but I hope it's well-received. :)