I. Una palang pansin ko na, At kita sa iyong mga mata, Ang pag-iwas mo sa tuwing kakausapin kita. Binabaling sa iba ang tingin, Habang dinadama ang dampi ng malamyos na hangin.
II. Rinig sa iyong labi, Ang tipid ng iyong huni. Mas naririnig ko pa-- Ang tibok ng puso mo, sinta, Kaysa sa mga sinasabing **** salita.
III. "Hindi ka ba kumportable Na ako'y makatabi?" 'Yan ang tanong ko sa'king sarili. "Oh, baka sa init ng panahon-- Kaya ka ganyan ngayon?" Dugtong ko pa.
IV. Gusto kong basagin ang katahimikan, Ngunit hindi ko alam ang sasabihin, At hindi ko rin alam kung paano sisimulan. Sapagkat, pareho tayong nag-aalinlangan.
V. Ilangan at alinlangan, Iyan ang tila rehas na nagkukulong sa'ting dalawa. Balak ko sanang basagin at tibagin, Pero hindi ko kaya ng mag-isa, Kailangan tayong dalawa.