Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2016
ano pa nga ba ang tangan     ng haraya
kundi ang langitngit ng katahimikan,

na sa isang sulok lamang ay mahahawakan hindi
ang puso: sa isang iglap, pagsasatubig.

puspos ng liwanag ang lupa. Muling pagtatangkilik
sa sukal ng dilim.

hindi alam ng hangin ang pangako ng paghilom.
hindi banaag ng kahapon ang bukas.
pipikit na lamang ba’t walang pagtangis,

na sa dulo man ay marapatin, kung tayo’y papel,
     ay mapupunit na lamang
ba sa mga kuko ng marupok na sandali?
Windsor I Guadalupe Jr
Written by
Windsor I Guadalupe Jr  Bulacan
(Bulacan)   
2.9k
 
Please log in to view and add comments on poems