Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2015
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga

at marahang tinahak ang dausdos pababa,

Dumampi siya sa malamig na agos ng batis,

sumisigaw ng hapis habang tumatangis,



Binagtas ang β€˜di maiwasang larawan

ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan,

tumama sa mga batong nakaharang

na umagaw sa diwa ng kaligayahan,



Sumambulat ang isang malalim na bangin

na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin,

sumaboy ang pirapirasong damdamin

ng wasak na dahong β€˜di matanggap at 'di maamin.
dalampasigan08
Written by
dalampasigan08  Antipolo City
(Antipolo City)   
3.1k
 
Please log in to view and add comments on poems