Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
astroaquanaut Oct 2015
dahan-dahan **** itaas
ang kamiseta kong iyong
nilamog, nilasog, nilukot-lukot
kurutin mo ang kaluluwa kong
tunay na alay sa iyo

unahin mo ang aking labi
bumulong sa pagitan ng mga halik
dila'y umiindak sa sariling ritmo
mahal kita, akin ka, mahal, halika
paibabang mga halik, hihinto sa leeg

isa-isang taluntunin ang mga bituin
sinag sa aking balat, iyong intindihin
idampi ang mga daliri sa aking dibdib
himurin ito, kilitiin, at ipadama
ang sansinukob na sa atin lamang

lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin
animo bakas ng iyong papalayong yapak
kabog ng puso'y umuugong sa silid
hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at
susunggaban ang iyong labing sabik na sabik

naghahalo tayo na parang makulay na pintura
kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa
inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala
sirain mo ako sa pinakamagandang paraan
isalin mo ang iyo, huwag mabahala
kingjay Dec 2018
Kumpas ng hangin ay utos na supremo
Sundan ang panuto
Tumingala sa nag-aansikot na mga kerubin
sindami ng nagsisilipiran na  gamu-gamo

Hindi alam ang inaapakan nang naligaw sa sariling lugar
Paese-ese kung lumakad ang sawi
Galaw na parang binitawang hibla
umiindak nang nagpatihulog

Itulak sa bangin nang mahulog ang walang esensiyang kordero
Nadadamay ang nagsisilapit
Nagiging mababa ang atmospera, pumapailalim ang usok

Ang nanlilibak sa pulubi sa kalsada
Siya ay magiging sinuman sa kapanahunan
Ituring paghaharap sa kawangis na katauhan
Siya rin ang dukha

Saan aabot ang bulyaw?
Hipo ng sinag sa aplaya
sa kalumbayan
Pangangatal ng panga
Namaos na awiting pambata
112522

Sabihin Sa'kin ang tangan **** pangamba,
Mga alinlangan o maging pagdurusa.
At sa bawat patak ng luhang walang salita’y
Ako mismo ang marahang hahagkan Sayo —

Lalapit nang kusa’t aagapay
Kahit ako mismo ang naghihingalo.
Ihipan man ng Sandali
Ang apoy **** patay-sindi
Ay hindi magmamaliw ang pagtingin ko’t pagkabighani.

At walang ibang nanaisin
Kundi masilip ang Iyong mga ngiti —
Mga ngiti **** simula’t sapul ay nakakakiliti.
Lulan ng iyong mapupungay na mga mata
Ay ligaya sa puso Kong
Tanging ikaw ang pagsinta.

Kaya maging sa pagbilad mo sa araw ay kumikinang ka—
Nag-uumapaw ang kagandahang hindi masakit sa mata.
Sa bawat pitik ay umiindak Ka
Musika ng kahapon ay nasasapawan na
Ngunit ang sining Sayong mukha’y
Namumutawi pa rin sa pagningning.

Ikaw ata ay Bituin
At maging sa umaga’y kumikislap pa rin.
Ligaya ang makapiling Ka
Lalo pa’t ako ang napiling maging Katipan.
Ngunit sa pagkumpas nang paulit-ulit
Ng kamay ng orasan,
Paminsan ay ayaw ko nang lisanin
Ang larawan ng nakaraan.

Unti-unti akong namumulat
Buhat sa pananaginip ng gising.
Pira-pirasong alaala’y
Kusa na namang nababahiran ng dilim —
Dilim sa paningin,
Dilim na walang katapusan ang mithiin.
wizmorrison Aug 2019
Isang gabi,
Tila puso niya ay umiindak
Kasabay ng mga patak ng ulan,
Binabasa nito ang kalupaan,
Nagbigay ito ng isang musika
Na sinasabayan ng mga bituing kumikislap,
Mga ngiti sa labi'y kay tamis
Gustong-gusto niya
Tila nasa isa siyang panaginip.
Stephanie Feb 2020
Hindi tugmaan ang pipigil
Sa isang tulang malaya
Buhay ang pag-ibig
Umiindak nang naaayon sa himig
Hayaang tumakas ang mga
Damdamin at kumawala
Upang pagdating nang araw ay
Walang pagsisihan sa mga
Pagkakataong nawala

— The End —