Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nexus Aug 2019
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
Mimi V Feb 2016
labis akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
labis akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya

Sa bawat araw na ika'y aking naaalala
Walang humpay ang aking puso't labing ngumingiti

Nais kong magtapat ng aking damdamin
ngunit puso'y agad binalutan ng takot

Takot, na puso'y di tangapin
Takot, na ang pag-ibig ko'y balewalain

Ngunit ganun pa man, nais kong malaman mo
Sa hindi ko pag amin, Andito pa ring umiibig

Umiibig ng tunay
Umiibig sa isang katulad mo

Ito lamang ang iyong tandaan
hindi ko man nasabi ang aking tunay na nararamdaman

Andito lamang ako,
Andito ako lagi para sayo.
#HugotProblems101 #NotMine ^_^
Lola una kong nasilayang maging  tunay na nanay.
Pagmamahal sayo'y tunay na naramdaman.
Mabuting Pangaral ay sayo unang natutunan.
Minsan mo  mang napapagalitan at napapalo ito'y sa ikabubuti ko naman.
Katuwaan ay nakakamtan pag ikaw ay nasisilayan lalo't makita sa mga mata at labi ang iyong kasiyahan sa twing kami sayo ay dumadalaw.
Mga anak mo at apo ay nakukompleto para pangungulila mo ay maibsan.
Sa twing pasko ay paparating pananabik sa puso ay walang mapaglagyan dahil sa ikaw at ibang pamilya ay makakasalo.
Lola ikaw ang una kong naging tunay at tapat na kaibigan.sa tuwing ang puso ay may dinaramdam ikaw ang unang sinasabihan.mga pangaral na ibinibigay mo ay malugod kong pinapakingan.
Ngunit isang araw kami ay nagimbal ikaw daw ay may karamdaman,pilit ang oras ay hinahabol upang ikaw ay masilayan at makausap man lang.
Ngunit tadhana ikaw ay ipinagkait at damdamin ay sinaktan,nang malaman  na ikaw ay tuluyan ng namaalam.
Masakit ang yong paglisan,kirot sa puso hangang ngayon ay nararamdaman.
Pasko ay paparating na ngunit ikaw ay wala na
Sabi nila tangapin na lang ang yung paglisan,ngunit paano tatangapin kung ang puso ay hindi pa handa sayong pamamaalam.
Puso ay hindi parin matangap na kami ay tuluyan mo ng nilisan.
Pangungulila sa puso sana ay iyong maibsan,sa panaginip ko sana ikaw ay dumalaw.
Always love your grandparents,you cannot get another one If you lost them once.
Mimi Jan 2019
Di ko alam kung pano harapin ang bukas ng wala ka sa piling ko, pano ko isasanay ang sarili ko na wala kana at may iba kana.

Kung nasanay na ako na lagi ka nandyan kung ,mahirap tangapin,tangapin na may iba kana at wala na ako sa puso mo,pano ko sasabihin sa puso ko na tama na.

Kung Ikaw pa rin ang laman nito.Mahal na mahal parin kita ,sobrang sakit kahit gusto ko man sabihin sayo di mo din naman maiintindihan...
Jay Co Jan 2019
Tangapin nalang natin na may mga taong hindi talaga tayo gusto.
'Yong tipo na ikaw ang mag bibigay halaga, siya naman ang pag-iwas.
Talaga ang tadhana mapaglaro, kailanman sa mata ng tao ay ang mundo ay hindi pantay.

— The End —